High school sweethearts, nagpakasal matapos ang 57-taon na paghihiwalay

High school sweethearts, nagpakasal matapos ang 57-taon na paghihiwalay

-Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang dating magkasintahan nang sila ay muling magkita pagkatapos ng 57 taon

-High school sweethearts ang dalawa at labis ang pagmamahal para sa isa't-isa

-Ngunit dahil sa mga kaganapan sa kanilang mga buhay ay nagkahiwalay ang kanilang landas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agad nang nagpakasal ang high school sweethearts na sina Barbara Cotton at Curtis Brewer pagkatapos ng 57-taon na sila ay nagkahiwalay.

Dati na silang magkasintahan ngunit nagkahiwalay ang kanilang landas dahil sa mga kaganapan sa kanilang buhay.

Kinailangang umalis ni Curtis sa kanilang bayan upang mag-aral ng kolehiyo habang si Barbara naman ay naiwan roon.

High school sweethearts, nagpakasal matapos ang 57-taon na paghihiwalay

Photo source: Little Things
Source: Facebook

Samantala, nang mamatay ang ina ni Barbara ay naiwan sa kanyan ang malaking responsibilidad.

Kaya naman inuna nito ang pamilya bago ang sarili at sinikap na mapag-aral ang mga kapatid.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alamang hindi pala nag-break ang dalawa noon.

Nawalan na ng komunikasyon ang dalawa hanggang sa makita ni Barbara si Curtis sa Classmates.com.

Doon nagpadala siya ng mensahe sa dating kasintahan na agad naman daw nag-reply sa kanya.

Hindi nagtagal at tinawagan ni Curtis si Barbara at hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang dalawa.

Nagpakasal ang dalawa noong January 5, 2019, 57 taong pagkatapos ang una nilang pagtatapat ng pagmamahal sa isa't-isa.

Plano daw ng dalawa na mag-byahe sa iba't-ibang lugar.

High school sweethearts, nagpakasal matapos ang 57-taon na paghihiwalay

Photo source: Little Things
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pagsugod at pananaksak sa pari habang ito'y nagmimisa, sapul sa live-stream

Pag-atake at pananaksak sa pari habang ito'y nagmimisa, sapul sa live-stream

Pagsugod at pananaksak sa pari habang ito'y nagmimisa, sapul sa live-stream
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel