Misis na muntik nang himatayin sa galit kay kabit, binaligtad pa ni mister

Misis na muntik nang himatayin sa galit kay kabit, binaligtad pa ni mister

-Nagharap na sa studio ng Wanted sa Radyo ang misis na muntik nang himatayin sa galit sa kanyang mister at sa kabit nito

-Sa kanilang paghaharap, tila binaligtad pa ng lalaki ang kanyang misis at sinabing ito ay may ka-chat na dayuhan

-Habang si misis naman ay halos magwala sa galit na nararamdaman para sa mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos magwala ang complainant na si Luisa Gamba sa studio ng Wanted sa Radyo nang makaharap ang inirereklamong asawa na si Andro Gamba.

Una nang umere ang reklamo ni misis kay mister sa programang Aksyon kung saan muntik na itong himatayin sa galit nang makausap naman ang kabit ng asawa, na naiulat na rin ng KAMI.

Sa kanilang paghaharap, gigil na gigil pa rin si Luisa sa mister at iginiit ang mga pagkukulang nito dahil na rin sa pagkakaroon nito ng kabit.

Hindi na ito naitanggi pa ni Andro lalo pa at napag-alaman na mayroon na itong anak sa kalaguyo nito na si Janice Castro.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit sa halip na humingi ito ng tawad sa asawa at sa kasama nitong anak nila ay nagawa pa nitong akusahan si Luisa.

Ayon dito, kaya niya nagawa ang pakiki-apid ay dahil na rin sa mga pagkukulang ni Luisa bilang asawa.

Iginiit rin nito na nagkaroon umano ng mga ka-chat na lalaki ang misis noon partikular ang isang dayuhan.

Dahil dito, lalong humulagpos ang galit ni Luisa para sa asawa! Masama rin daw ang loob nito sa mga kaanak ng mister dahil napahiya daw ang mga ito matapos niyang magreklamo sa programa.

Pinayuhan naman ni idol Raffy ang mag-asawa at sinubukang kausapin na magkaayos na para kanilang anak.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel