Businessman na in-ambush sa Edsa, mister pala ng isang singer-actress

Businessman na in-ambush sa Edsa, mister pala ng isang singer-actress

- Businessman na in-ambush umano sa Edsa ay mister pala ng isang singer-actress

- Dalawang motorcycle-riding gunmen daw ang tumabi sa van ng negosyante at binaril ito

- Nangyari ang karumal-dumal na insidente kahapon, February 17

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na naispatan ng KAMI, patuloy daw ang pagdadalamhati ng show business sa pagpanaw ng mister ng singer-actress/theater actress na si Menchu Lauchengco-Yulo.

Ayon pa umano sa ulat, dalawang motorcycle-riding gunmen daw ang tumabi sa van ng 62-year-old businessman na si Jose Luis "Sel" Yulo at pinagbabaril ito.

Namatay umano ang naturang negosyante at ang may-ari at driver ng van na si Nomer Santos, 51 years old.

Nangyari raw ito, ayon pa sa balita na ibinahagi ng PEP, kahapon, February 17, along Edsa sa Mandaluyong City.

Bukod pa pala sa businessman at sa owner/driver, may kasama rin itong isang babae sa van, na nakilala na si Esmeralda Ignacio na dinala sa parehong hospital sa VRP Medical Center.

Nagtamo raw ang naturang babae ng sugat.

Ani naman daw ng Mandaluyong police:

“He has a lot of businesses in Metro Manila and Laguna. We are now looking, baka ito ay related to his businesses.”

Si Menchu Lauchengco ay kilalang aktres umano sa teatro at huling napanood daw sa pelikulang 'Ang Larawan.'

Kasama rin daw siya sa musical na 'Ang Huling El Bimbo.'

At kapatid niya ang dating actor-singer-heartthrob noon at GMA Supershow co-host na si Raymond Lauchengco.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.'

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, di hinarap si mister nang kunin niya ang asawa

Huthuterong kabit ni misis, naduwag, nagtago sa bahay nang sugurin ni mister para kunin ang asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel