Bahay, pinamamahayan umano ng mga maligno

Bahay, pinamamahayan umano ng mga maligno

-Ang bahay ni aling Josephine, mayroon umanong mga naninirahan ring maligno

-Ang mga ito, nagpapakita at nagpaparamdam sa kanilang at ilan pang residente doon

-Ang kanilang mga karanasan, ibinahagi mismo ni aling Josephine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpaparamdam at nagpapakita umano ang ilang maligno sa isang bahay kung saan may pamilyang naninirahan.

Maging ang ilang residente doon, nakararanas rin umano ng mga pagpaparamdam mula sa mga ito.

Si aling Josephine, ang may-ari ng bahay, nagpa-unlak ng panayam sa programang Reel Time. Dito, inilahad niya ang ilan sa mga naging karanasan nila.

Isa umano sa nagparamdam mismo kay aling Josephine ay ang matangkad at maiitim na lalaki na may numero sa katawan.

Sinabi pa raw nito na tayaan niya ang mga numerong ito at laking gulat niya ng tumama nga siya!

Isa pa ay ang magandang babae na naka-puti. Madalas umanong magpakita ito sa kanilang banyo na ayon sa isang albularyo ay may nakatagong sumpa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit hindi naman raw ito nanakit.

Isa pa nanggagambala sa kanila ay ang batang itim. Madalas umanong magpakita ito sa kanila at sa mga batang naglalaro malapit sa kanilang bahay.

Ang kanyang anak na dalaga, nakaranas umano na pagpakitaan nito. Kwento ni aling Josephine, habang natutulog umano ang kanyang anak ay bigla na lamang itong nangisay.

At nagsisisigaw rin umano ang dalaga at sinasabing tigilan na siya at pagod na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ronnie Alonte spotted hanging out with Vice Ganda amid Loisa Andalio's alleged video scandal

Ronnie Alonte spotted hanging out with Vice Ganda amid Loisa Andalio's alleged scandal

Ronnie Alonte spotted hanging out with Vice Ganda amid Loisa Andalio's alleged scandal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel