Sanggol na aksidenteng napakain ng pamatay ipis, may tama na ang liver at kidney

Sanggol na aksidenteng napakain ng pamatay ipis, may tama na ang liver at kidney

- Isang Chinese na sanggol ang aksideteng napakain ng pamatay ipis ng kanyang ama

- Powder na pamatay ipis ang natimpla ng ama na nainom ng sanggol kaya nagsuka ito at tinamaan agad ang liver at kidney niya

- Ayon sa doktor, mabuti at nadala agad sa ospital ang bata dahil kung hindi maaring nagkaroon pa ng mas malubhang komplikasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang sanggol sa China ang aksidenteng napakain ng kanya mismong ama ng pamatay sa ipis.

Ayon sa Yahoo Philippines, umiyak at humingi ng gatas ang sanggol namay palayaw na Doudou sa kalagitnaan ng gabi.

Binigyan ito ng ama ngunit dahil medyo lipang pa ito, di niya namalayan na ang natimpla pala niya ay cockroach killer powder.

Paliwanag ng ama, magulo pa ang gamit nila sa bahay dahil sa nag-aayos pa lang sila ng loob nito.

Laking gulat nila nang matapos mainom ng sanggol ang inakalang gatas, namutla ito at dalawang beses sumuka. Walang tigil rin ang iyak nito.

Nang tingnan ng ama ang pakete na natimpla, doon niya nakumpirmang di gatas ang nainom ng kanyang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad nilang nadala sa ospital ang sanggol. Sinabi ng doktor na bahagyang nagkaroon ng komlikasyon ang liver at kidney ng sanggol ngunit mainam na naagapan pa rin ito.

Tumagal din ng dalawang araw ang gamutan sa sanggol bago ito tuluyan pinauwi ng mga doktor mula sa ospital.

Pinaaalalahanan ang mga magulang na maging maingat lalo na sa pagpapakain sa sanggol.

Ugaliing ilagay sa ligtas, malinis at nakabukod na lugar ang mga gamit ng sanggol nang sa ganun ay di matulad sa nangyari kay Doudou.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Oppa! SK Kagawad sa Wowowin, pinakilig ang audience dahil sa kanyang looks

Korean-look ng 1 Wowowin contestant at SK Kagawad, hinangaan at kinakiligan

Oppa! SK Kagawad sa Wowowin, pinakilig ang audience dahil sa kanyang looks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel