Liza Soberano, may ginawang kabutihang-loob na isiniwalat ni Ogie Diaz sa Magandang Buhay

Liza Soberano, may ginawang kabutihang-loob na isiniwalat ni Ogie Diaz sa Magandang Buhay

- Liza Soberano, may ginawang kabutihang-loob na isiniwalat ng manager na si Ogie Diaz

- Sa TV guesting ng magandang aktres sa Magandang Buhay ay ibinahagi ni Ogie ang kabaitan ni Liza

- Pinatunayan na hindi lang siya maganda sa panlabas na anyo pati na rin sa kalooban

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI na tinuturing isang "biyaya" si Liza Soberano ng kanyang talent manager na si Ogie Diaz.

Sa Magandang Buhay, ibinunyag ni Ogie na si Liza ang "bumuhay" sa kanyang bunsong anak na ipinanganak daw na premature, ani pa sa ulat ng ABS-CBN News.

Pauna na pagbahagi ni Ogie tungkol sa alagang si Liza Soberano:

"Isang biyayang malaki si Liza sa akin. Pagkatapos namin na maghiwalay ni Vice Ganda, dumating si Liza Soberano. Sabi nga nila kapag may nagsasara ng pinto, may nagbubukas na bubong. Noong 2011 naghiwalay kami ni Vice Ganda; 2012 siya (si Liza) dumating. So alam mo 'yung marunong ang Diyos at the same time ay magkakaibigan pa rin kami ni Vice Ganda."

Dagdag pa niya:

"Bukod doon, alam mo feeling ko sa sarili ko, si Liza ang bumuhay sa bunso kong anak. So, parang hindi ko nano-notice na nabobokya ako dahil may pumapasok na trabaho kay Liza, at the same time nahahawaan kami ni Dudu. So malaki talagang blessing si Liza kaya siguro nagpa-pay forward kami para mas tuloy-tuloy ang blessings."

Binalikan naman ni Liza ang magagandang sinabi ng manager, saad pa ng magandang aktres:

"Tinulungan niya po kami nung wala pa ako. Hanggang ngayon kapag may mga problema ako, sa kanya po ako lumalapit at siya po 'yung nagpi-figure out kung ano ang dapat kong gawin."

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina.

Namataan si Liza ng isang talent scount noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

POPULAR: Read more news about Liza Soberano here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.'

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie Barretto is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel