Service crew ng Jollibee, tinulungan ang customer na bulag at nahihirapang kumain

Service crew ng Jollibee, tinulungan ang customer na bulag at nahihirapang kumain

- Viral ang larawan ng service crew ng Jollibee na tumulong kumain sa isang bulag na customer

- Nakita ng crew na hirap kumain ang bulag kaya nagmagandang loob na itong subuan ang customer

- Umani ng papuri ang crew na nararapat lamang daw na hangaan at pamarisan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa mga larawang binahagi ng netizen na si Quiram Lhen Guillen Dequiso kung saan nakunan niya ng larawan ang service crew ng Jollibee na tumutulong sa customer na bulag.

Ayon sa post ni Quiram, naiiyak daw talaga siya nang makita na nagmalasakit ang crew na subuan na ang nahihirapang kumain na customer.

Wala manlang kasama ng bulag na nangangapa sa kanyang kakainin. Di nagdalawang isip ang crew na lapitan at subuan na nga naman ang customer upang makakain ito ng maayos.

Mapapansing matanda na rin ang bulag kaya marahil mas hirap ito sa kanyang kalagayan.

Samantala, maging ang mga netizens ay natuwa at naantig sa ginawa na ito ng service crew.

Patunay lamang daw na may natitira pang mga tao na may ginintuang puso at may malasakit sa kapwa kahit di pa niya ito kaano-ano.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

"saludo ako sayo kuya god bless kuya"
"Saludo ako sayu...sana all"
"Haayy...naluha dn aq....at nkka proud k kua bhira n kse s mga kbataan nw ang ggawa ng gnyn....at ibe bless k kua dhil sa kbutihan ng klooban mo..."
"Lahat ng bagay Kong ganyan pinapakita sa isang may kapansan magiging kakampi mo si Lord.. At handang may ipapalit na kabutihan ni Lord sayu kuya... Kaya ipagpatuloy mo lang pagtulong sa mga may kapansan... I'm so proud of u godbless po"
"Si God na ang mag bigay sau ng kapalit ng kabaitan mo. Sana marami pang crew na katulad mo. God blessd you."
"Great ang ginawa mo , kuya. Akala mo simpleng bagay pero malaki para taong tinulungan mo.gayun din ang jolibe na iyan na hinayaan pumasok ang polubi , d ipinagtabuyan. Saan b jolibi na yan at jan na ako kkain lagi. GBU kuya, same wid jolibe."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura

Middle-aged na babae, ibinahagi ang kanyang sikreto para magmukhang bata

41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel