Lalaking umiikot sa Anonas, sapilitan daw na nanghihingi ng pera at nagagalit pag di nabigyan

Lalaking umiikot sa Anonas, sapilitan daw na nanghihingi ng pera at nagagalit pag di nabigyan

- Mismong biktima ang nagsiwalat ng modus ng isang lalaki na naninigaw at nanghihingi ng pera

- Partikular daw ito sa mga nag-iisang babae na naglalakad at bigla na lamang daw nitong lalapitan at manghihingi ng pera

- Suspetsa maging ng pulisya na di lang panghihingi ng pera ang maaaring motibo ng lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay babala ang isang netizen tungkol sa isang lalaki na gumagala sa may Anonas.

Naganap ang pangyayari nito lamang Pebrero 16, bandang alas dose ng tanghali.

Kwento ng nabiktima na si Sunshine Dumar Mannod, tinawag daw siya ng lalaki na agad naman niyang nilingon.

Sa unang tingin, mukhang disente at maayos naman daw ang lalaki. Inakala pa umano ng babae na nawawala lang ang lalaki kaya naman pinansin niya ito upang matulungan.

Nanghihingi pala ng pera ang lalaki para raw sa kanyang pamasahe. Nang tumanggi ang babae at dinahilan niya ang pagiging estudyate niya, laking gulat niya nang sumigaw na lamang ang lalaking galit na galit at di napagbigyan sa kanyang hiling na ₱100.

"Anong meron kung estudyante ka?" yun na yun? dahilan yan?" sagot ng lalaki kay Sunshine.

"Ang arte mo! Maganda ka sana pero wala kang kwenta!" dagdag pa ng lalaki.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakakalas naman si Sunshine sa lalaki sa takot na baka saktan pa siya nito. Ngunit habang papalayo rin ang lalaki sumusigaw pa rin ito ng di magagandang salita

Dumulog sa pulisya si Sunshine at doon nakakuha ng cctv footages kung saan gawain na talaga ito ng lalaki.

Ang kinatatakot pa raw nila, di ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng lalaki. May ilang babae na siyang nilapitan ayon din sa cctv footages. Mag-isang babae ang lagi niyang binibiktima at nakita ring may tinatawagan siya gamit ang cellphone habang sinasagawa ito.

Kaya naman, pinag-iingat ang mga babaeng madalas mag-isang maglakad sa may St. Joseph church at McDonald's Anonas.

Samantala, sa comment section ng naturang post, may nagbahagi na ang lalaking ito rin ay nambibiktima sa may Sta. Lucia East mall. Parehong gawi ang diskarte niya sa mga babae.

Nagbabala ang pulisya na doble ingat lalo na sa mga mag-isang naglalakad sa nabanggit na mga lugar.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions.

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie Barretto is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel