Driver ng ambulansya, binatikos sa balak na pagtakas sa nabundol na matanda

Driver ng ambulansya, binatikos sa balak na pagtakas sa nabundol na matanda

- Nakunan ng isang concerned citizen ang insidente ng pagbunggo ng ambulansya ng Barangay Balangkas sa nabundol nitong matandang nakabisikleta

- Kung di pa raw ito sinita ng saksi na naka-motor, balak pa raw takbuhan ng driver ang nabundol

- Binatikos din ang paggamit ng signal ng ambulansya gayung wala naman daw pala itong sakay na pasyente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video na binahagi ng concerned citizen na si Joshua Maguinsay kung saan isang matandang lalaki na nakabisikleta ang nabundol ng ambulansya.

Ayon sa post na binahagi rin ng The Philippines News, balak pa raw ng tsuper ng ambulansya ang natumbang matanda.

Kung di pa raw ito sinita ng saksi, wala raw balak sana itong babain at tulungan ang matanda.

Nang bumaba ang driver, inalok nito ang matanda ng sakay upang madala sa ospital.

Ngunit dahil di naman gaanong nasaktan, di na ito sumama at nakatayo na rin agad.

Isa pang napansin ng kumuha ng video ay ang paggamit ng signal ng ambulansya gayung wala naman daw pala itong sakay.

Nangangahulugang wala itong dapat ipagmadali dahilan para mabundol pa ang matanda.

Maluwag naman daw ang daan nang gabing iyon at papasok na raw ang ruta nito sa NLEX kaya dapat lamang na magbumagal ng kahit paano.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging ang mga netizens ay naglabas ng saloobin sa insidente. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Bkit mron alarm sgnal kng wla nmn palang pasyente,wla sa hulog hnd yan ngaaral ng first aid mga yan bsta lng nkkdrive"
"yan ang problema sa atin. inaabuso ang emergency vehicle, dami ng ganyan nadadamay tuloy sa negatibong paningin ng mga tao ung talagang nag seserbisyo"
"Dapat dyan ipagamot mukhang masama ang bagsak ng matanda eh"
"Grabe naman masyadong inaabuso ang paggamit ng mga emergency vehicle dpt yan kasuhan na yan. Lalo n kong wl. Naman talagang sakay"
"Dapat ang katulad na ganyang tao tanggalin sa trabaho at pabayarin sa kanyang ginawa!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kasama si mommy Pauleen Luna

Baby Tali Sotto, marunong ng magbilang kahit stressed siya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel