Mister na babaero, pinagtawanan pa ang naghihinagpis na misis

Mister na babaero, pinagtawanan pa ang naghihinagpis na misis

-Naghihinagpis ang isang ginang dahil sa kanyang babaero umanong asawa na hindi na daw siya kinakausap pa

-Mariin naman itong itinanggi ng kanyang mister sa kabila ng mga ebidensiyang kanyang ipinakita

-Sa sobrang sama ng loob ng ginang, nailabas niya ang lahat ng kanyang hinanakit sa asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umiiyak na dumulog ang ginang na si Lucy Baguio sa programang Wanted sa Radyo upang sana ay makausap ang kanyang asawa na hindi na umano siya kinakausap.

Reklamo ni Lucy, mayroon na raw kasing kinakasamang ibang babae ang kanyang asawang si Sozimo Baguio Jr.

Mariin naman itong itinanggi ng lalaki at iginiit na hindi na niya magagawa pang mang-babae dahil halos lahat ay ibinibigay na niya sa asawa na hindi daw nakukuntento sa kanyang ibinibigay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sabi naman ni Lucy, hindi ito totoo at marami siyang ebidensiya na ipinakita na magpapatunay umano na totoo at hindi hinala lamang ang kanyang reklamo.

Katunayan ay minsan na rin umanong naka-usap niya ang babae ng asawa sa pamamagitan ng video call gamit ang Facebook account ni Sozimo.

Ngunit hanggang sa huli ay hindi pa rin umamin ang inirereklamo. Nagawa pa nitong pagtawanan ang umiiyak na asawa.

Sabi pa nito, kaya niya hindi kinakausap ang misis ay dahil na rin sa mga hinala nito sa kanya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng nakaalarmang pananakit ng mga batang "brat" sa kanilang ina, 3 million views na

Video ng nakaalarmang pananakit ng mga batang "brat" sa kanilang ina, 3 million views na

Video ng nakaalarmang pananakit ng mga batang "brat" sa kanilang ina, 3 million views na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel