Sekyu, pinakilig ang buong supermarket sa surpresang wedding proposal para sa nobya

Sekyu, pinakilig ang buong supermarket sa surpresang wedding proposal para sa nobya

- Viral ngayon ang video ng wedding proposal ng sekyu sa nobya niyang nagtatrabaho sa supermarket

- Kinilig ang mga nakisamang tao sa supermarket dahil talagang agaw-eksena ang napaka-sweet na wedding proposal

- Pinuri rin ng mga netizens ang pamunuan ng supermarket na pinahintulutan ang security guard na gawin ito sa kanyang nobya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang video ng security guard na todo effort sa wedding proposal niya sa nobya.

Binahagi ang video ng TV Patrol Southern Mindanao na orihinal na post naman ni Febe Grace.

Sa loob mismo ng supermarket naganap ang proposal at may konting gimik pa ang sekyu bago niya bitawan ang mahiwagang tanong sa nobya.

Habang tumutugtog ng “A thousand years,” isa-isang binibigyan ng roses ang babae ng mga kasamahan niyang nagtatrabaho sa supermarket.

Di na rin nito mapigilang maluha habang naglalakad dahil sa wala siyang ideya sa mga nangyayari.

Nang malapit na ito sa kanyang nobyo lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao sa loob.

At nang dumating na sa kinaroroonan ng sekyu, inakbayan agad siya nito at inabot ang bouquet ng mga bulaklak.

Maya maya´y lumabas ang isang kasamahan nila na may hawak ng karatula na nakasulat ang mga katagang "Will you marry me?"

At bigla nang lumuhod ang nobyo na may hawak na palang singsing. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga naroon at ramdam din nila ang kilig ng dalawa.

Sumagot naman ang nobya ng matamis niyang oo.

Maging ang mga netizens ay kinilig sa video na ito ng magkasintahan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

"Salute sa management Hindi nya ipinag kait Ang kahilingan Ng kanyang guard."
"proud ako sau napakita mo sa buong mundo na mahal mo girl mo , , , tuloy2 lng yan , , sana mahalin mo yan habang buhay , hindi sa umpisa lng , ingat kau congrats"
"Ibang level ni kuya guard... panalo!"
"Nakakaiyak na nakakakilig to"
"Supportive kaayo ang management ,. God bless you both"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng nakaalarmang pananakit ng mga batang "brat" sa kanilang ina, 3 million views na

Video ng nakaalarmang pananakit ng mga batang "brat" sa kanilang ina, 3 million views na

Video ng nakaalarmang pananakit ng mga batang "brat" sa kanilang ina, 3 million views na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel