Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

Ang galing! Fishball vendor, nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo

-Hindi na daw namalayan ng isang streetfood vendor na nakapagpatapos na siya ng mga anak sa kolehiyo

-Ang kanyang hirap at tyaga mula sa araw-araw na pagbebenta ng mga streetfood ay nagbunga na

-At kahit pa maliit lamang ang kita niya ay nakaka-proud naman na nagampanan niya ang kanyang responsibilidad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Minsan ay wala pang P1,000 ang kita ni Harry Baltazar mula sa maghapong pagtitinda ng streetfood.

Ngunit sa kanyang tyaga at pagsusumikap, dalawa sa kanyang anak ay napagtapos na niya sa kolehiyo, katulong ang kanyang misis.

Ang isa niyang anak ay nagtapos sa kursong Electrical Engineering at sa kasalukuyan ay may maganda nang trabaho.

Habang ang isa pa ay nagtapos naman sa kursong Hotel and Restaurant Management.

Lahat ng ito ay bunga ng araw-araw na pagkayod ni tatay Harry.

Umaga pa lamang ay nagsisimula na ang kanyang buhay sa tindahan ng kanyang amo para gumawa ng sauce.

Pagdating nga hapon ay maglalako naman siya ng fishballs, kikiam at iba pa sa limang kalye sa Mandaluyong.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Higit dalawang kilometro ang dapat niyang ikutin para ilako ang mga paninda.

Sulit naman daw ang kanyang pagod dahil may mga suki na siya na sa kanya lamang bumibili.

Pagdating ng gabi ay babalik naman siya muli sa tindahan ng kanyang amo at aasikasuhin ang gawain bilang katiwala ng may-ari.

Minsan sa hirap ng trabaho niya, naiisip na rin daw nitong sumuko ngunit iniisip na lamang niya ang kanyang pamilya.

Dala ng kanyang tyaga, pagmamahal sa pamilya at pagiging responsableng ama, sa wakas ay nagbunga na ang lahat para kay tatay Harry.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Celebs show support for Loisa Andalio after her alleged video scandal surfaced on social media

Celebs show support for Loisa Andalio after her alleged video scandal went viral

Celebs show support for Loisa Andalio after her alleged video scandal went viral
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel