Dam sa Rizal, may namamahay umanong mga masasamang elemento

Dam sa Rizal, may namamahay umanong mga masasamang elemento

-Nanghihila umano ng mga lumalangoy ang isang ilog sa Rizal at may mga namamahay pa umanong mga elemnto

-Isang lokal na mamamayan ang nagsabing dati na siyang nakuha ng isa sa mga ito at dinala sa tirahan ng mga ito

-May mga turista ring nakaranas umano ng panghihila mula sa ilalim ng ilog na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pito ang bilang ng namatay noong taong 2016 gayundin noong 2017. Tatlo naman ang naitala noong 2018 sa pagkalunod sa Wawa Dam sa Rizal.

Ayon sa ilang turista, nakaranas umano sila na tila hinihila sila pahiga o pababa sa ilalim ng ilog.

Kabilang rito si Angelica Samonte at ang mga pinsan nito. Kwento ni Angelica, naramdaman na umano niya ang paghila sa kanya.

Ilang sandali pa, isa sa mga pinsan niya ang bigla na lamang lumubog at muntik nang malunod. Agad naman daw itong dinaluhan ng kapatid nito ngunit maging ito ay lumubog rin.

Sa kabutihang-palad, nailigtas naman ang magkapatid.

Ang mga kwento ng kababalaghan sa Wawa Dam, sinang-ayunan naman ng isang lokal na mamamayan na si Ernesto Sarmiento.

Ayon kay Mang Ernesto, dati na siyang kinuha ng isang diwata at dinala sa tirahan ng mga ito noong siya ay 15-anyos pa lang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit dahil hindi niya kinain ang itim na bigas na ipinapakain sa kanya nito ay ibinalik din umano siya nito.

Ngunit nang ikunsulta naman ito ng programang Brigada sa isang Dam Design Specification Consultant, sinabi nitong ang paghigop mula sa Dam ay posible.

Ayon dito, kapag hindi maganda ang flooring o ibaba ng damdam lilikha ito ng tinatawag na "uli-uli" o whirlpool.

Ito ang nagiging dahilan upang ang isang bagay ay mahihigop pailalim. At kapag hindi kinaya ng bagay o nilalang na kontrahin ang pwersa na ito ay lulubog o malulunod ito.

Hindi rin daw dapat na nilalanguyan ang mga dam dahil ito ay mapanganib.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ronnie Alonte spotted hanging out with Vice Ganda amid Loisa Andalio's alleged video scandal

Ronnie Alonte spotted hanging out with Vice Ganda amid Loisa Andalio's alleged scandal

Ronnie Alonte spotted hanging out with Vice Ganda amid Loisa Andalio's alleged scandal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel