Dalagang naghahanap lang naman ng "forever", nabugbog noong Valentine's Day

Dalagang naghahanap lang naman ng "forever", nabugbog noong Valentine's Day

-Sa pag-asang mahanap ang kanyang "forever" ay nag-aliw ang isang dalaga sa Davao City

-Ngunit imbes na prince charming ang kanyang makilala, isang lalaking mapang-abuso ang kanyang natagpuan

-Binugbog umano ito ng nakilalang lalaki noong Araw ng mga Puso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nais lamang naman daw niyang mahanap na ang kanyang "forever", kaya naman nagpasyang mag-aliw ang dalagang itinago sa pangalang "Maria".

Ngunit imbes na prince charming ang kanyang matagpuan ay isang mapang-abuso palang lalaki ang nakatadhana niyang makilala.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, nag-aaliw lamang ang 33-anyos na dalaga sa isang videoke bar sa Davao City noong Valentine's Day sa pag-asang makilala na ang kanyang "true love o forever".

Sa inisyal na imbestigasyon, nakainuman ni Maria ang lalaking si Kenny Roger Agua at isa pang lalaki sa videoke bar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit nang nagpapaalam na umano si Maria para umalis ay pinigilan ito ni Agua at kasama nito kaya naman nasampal niya ang lalaki.

Gumanti naman umano si Agua ng sampal at suntok.

"Nagmakaawa ako na itigil na ang pagbugbog. Pero sinampal pa rin niya ako. Sinuntok at tinadyakan hanggang may nakakita," pahayag ni Maria.

Biyernes, umiiyak na dumulog si Maria sa police station at inreklamo ang pagbu-bugbog umano ng mga naka-inumang lalaki.

Dalagang naghahanap lang naman ng "forever", nabugbog noong Valentine's Day

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie Barretto is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel