Lalaking maliit ang sweldo, minamaliit umano ng demanding na partner

Lalaking maliit ang sweldo, minamaliit umano ng demanding na partner

-Minaliit at palagi raw dinadakdakan ng kanyang kinakasama ang isang lalaki kaya naman naisip na nitong lumayas at itakas ang kanilang anak

-Dahil dito, humingi ng tulong ang babae kay Raffy Tulfo upang mabawi ang kanilang anak

-Sa kanilang pag-uusap, napag-alaman ang maraming isyu ng dalawa kabilang na ang maliit na sweldo ni lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng tulong si Maria Cristine Maurente kasama ang kanyang ama sa programang Wanted sa Radyo para mabawi ang kanyang anak sa kinakasamang si Jonald Furio.

Itinakas daw kasi ni Furio ang kanilang 10-buwang gulang na anak.

Nang makausap naman si Furio ni Raffy Tulfo, inamin nitong isinama nga nito ang kanilang anak sa pag-alis.

Depensa nito, hindi na raw nito kaya ang mga natatanggap na pangma-maliit sa kanya ni Maurente.

Giit naman ng complainant, hindi raw kasi sapat ang P6,000 na sahod nito kada buwan upang mabuhay silang pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nais daw ni Maurente na mas magsikap pa ito dahil ito raw ang nahihirapan sa kanilang sitwasyon lalo pa at wala siyang trabaho.

Nagbigay naman ng payo sa mag-asawa si Tulfo.

Bukod pa sa pangma-maliit ni Maurente, naungkat rin ang pagsusugal nito sa kabila ng reklamo nito na kulang ang kinikita ng kinakasama.

Bagay na hindi sinang-ayunan ni idol Raffy. Ipinayo rin nito na dapat maghanap ng regular na trabaho si Furio at maghanap naman ng trabaho si Maurente.

Responsibilidad daw ng mag-asawa na pagtulungan ang mga problemang kinakaharap.

Sa huli, nagkasundo rin ang dalawa na magkabalikan sa mga kundisyong inilatag ng bawat isa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel