2 grade 1 na tumatawid sa pedestrian lane, patay nang mabundol at tumilapon

2 grade 1 na tumatawid sa pedestrian lane, patay nang mabundol at tumilapon

-Papasok na sana sa eskwelahan ang dalawang grade one students nang mabundol ito ng isang sasakyan na mabilis umano ang takbo

-Tumilapon pa umano ang mga bata, dead on arrival ang isa habang ang isa naman ay pumanaw makalipas ang ilang oras

-Walang tanod na nagbabantay sa tawiran dahil hindi na daw napapa-sweldo ng PTA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naghihinagpis ang mga pamilya ng dalawang batang nabundol at tumilapon pa nang masagasaan ng isang sasakyang mabilis umano ang takbo sa Camarines Sur.

Tumatawid umano ang dalawang grade one students na kinilalang sina Noemi Grace Sierra at kaklase nitong si Keith Xyron Erespi, sa pedestrian lane at papasok na sana sa eskwelahan.

Dead on arrival si Sierra habang pumanaw rin si Erespi makalipas ang limang oras.

"'Pag may sasakyan hindi siya tumatawid… marunong na siya, ‘yun lang kahapon kasi nag-overtake,” ayon sa lolo ni Sierra na si Lem Sierra.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa report ng ABS-CBN News, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na matulin ang takbo ng 30-anyos na driver na si Rommel Asaytuno.

"Dapat sabi ko nag-iingat kayo kasi kayo 'yung mga driver, hindi niyo na maibabalik ang buhay ng anak namin," sabi ng ina ni Erespi.

Wala din mga tanod na nagbabantay sa tawiran dahil hindi na napapasahod ng Parent-Teacher's Association ng paaralan.

"Masakit po sa amin, wake-up call po na kailangang gawin ang dapat kasi nandito kami para mag-serbisyo," pahayag ng Punong Barangay na si Alan Bolo.

Two counts of homicide ang ikinaso sa driver na nakabundol sa dalawang bata.

2 grade 1 na tumatawid sa pedestrian lane, patay nang mabundol at tumilapon

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
2-buwang sanggol, inihagis sa bintana ng ikalawang palapag dahil napalitan daw ng aswang

2-buwang sanggol, inihagis sa bintana ng ikalawang palapag dahil napalitan daw ng aswang

2-buwang sanggol, inihagis ng magulang sa bintana dahil napalitan daw ng aswang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel