Lalaking walang mga kamay at paa, maayos na nagtatrabaho at bumubuhay sa 4 na mga anak

Lalaking walang mga kamay at paa, maayos na nagtatrabaho at bumubuhay sa 4 na mga anak

- Isang amputee kung tawagin si Joseph Reed dahil wala siyang mga kamay at mga paa dala ng sakit na meningitis

- Sa kabila ng kanyang kondisyon, nagagawa pa rin niyang magtrabaho para sa kanyang pamilya at gumawa ng mga gawaing bahay

- Ayon pa sa kanyang misis, daig pa raw ni Joseph ang ibang padre-de-pamilya na kumpleto nga sa kamay at paa ngunit di naman mabuhay ang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakamamangha ang kwento ni Joseph Reed na lumaking walang mga kamay at mga paa. Kinailangan daw itong tanggalin dahilan sa dinapuan siya ng meningitis.

Binahagi ng Facebook page na Born Different show ang buhay ni Joseph matapos siyang ma-amputate.

Nakabuo pa ng pamilya si Joseph at binayayaan pa sila ng apat na anak.

Kwento ng asawa niyang si Lore Allen, masipag si Joseph sa kabila ng kanyang kondisyon. Responsable raw ito at daig pa nito ang ibang normal na padre-de-pamilya dahil sa maayos silang nasusuportahan ni Joseph.

Masayahin din si Joseph at kailanman ay di ininda ang kanyang kalagayan.

Nagsisilbi pa umano itong inspirasyon sa kanyang mga anak lalo na pag nakikita ng mga ito na gumagawa siya ng gawaing bahay.

Aminado si Joseph na di naging madali ang kanyang kabataan dahilan sa lumaki siya kasama lamang ng mga umampon sa kanya.

Ngunit ngayong may sarili na siyang pamilya, walang bakas ng kalungkutan ng kanyang kabataan ang pinakikita nito lalo na sa mga anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pinakita rin sa video na may talento rin si Joseph sa pagsasayaw patunay na di hadlang ang kawalan ng paa at kamay sa paggawa ng mga bagay gusto niyang gawin.

Dahil dito, labis na humanga ang mga netizens na nakapanood ng video ni Joseph. karamihan sa kanila ay na-inspire na maging mabuti at responsableng magulang.

Narito ang ilang sa kanilang mga komento:

"From today onward I stop complaining..."
"We out here living normal, yet we keep on complaining. Life is only hard when you make it hard! Amazingly inspirational. Thank you sir! Total respect for this gentleman."
"Amazing. And I think of lazy good for nothing guys who don't even put forth effort to work or even look for work. He has it very hard but man enough to do what he can. Sir I salute you."
"I see tears in this video remarks but I have no tears for Joseph cuz he doesn't need them he's a remarkable person"
"Praise God for him his awesome wife and beautiful family... Their season of blessings has just begun. What an inspiration..."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Pagawaan ng mag-inang Intsik na tinatawag umanong 'pataygutom' mga empleyado, ininspeksyon na

Pagawaan ng mag-inang Intsik na tinatawag umanong 'pataygutom' mga empleyado, ininspeksyon na

Paktorya ng mag-inang Intsik na tinatawag umanong 'pataygutom' mga trabahador, ininspeksyon na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel