Video ng empleyado ng McDonald's na niregaluhan ng kotse ng customer, 32.2 million views na

Video ng empleyado ng McDonald's na niregaluhan ng kotse ng customer, 32.2 million views na

- Umabot sa mahigit 32 million views ang video ng empleyado ng McDonald's na niregaluhan ng customer niya ng kotse

- Milagro raw ang pangyayari na ito sa crew dahil katatapos lamang niya noong makipag-usap sa kaibigan at nasabing naniniwala siyang nagmimilagro ang Diyos

- Wala raw hinihinging kapalit ang customer at anak nito, ang ngiti at yakap ng crew ay sapat na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang nakakaantig na video kung saan niregaluhan ng isang customer ang empleyado ng McDonald's ng kotse.

Sa video na binahagi ng Lansing State Journal, makikita ang di makapaniwalang empleyado na si Vicki habang binibigay sa kanya ang susi ng kotse at titulo mula kay Chris

Kasama ng customer ang anak niyang lalaki na siyang unang nag-may-ari sa sasakyan.

Bagaman at di bago, nasa maayos pang kondisyon ang sasakyan kaya nagdesisyon ang mag-amang ibigay na lamang ito sa masipag na empleyado na nasiraan ng kotse at di na maari pang maayos.

Kwento pa ng crew ng McDo, noong kanyang break time, kausap niya ang isang kaibigan at nabanggit nito ang "God can work miracles." Ilang minuto lamang, dumating ang mag-ama at binigay ang surpresa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Walang hanggan ang pasasalamat ng crew at tinanong niya kung ano ang maaring kapalit nito.

Sapat na raw ang ngiti at yakap ni Vicki na agad naman niyang ginawa kasabay ang pasasalamat at pagsasabi ng "God bless you"

Nang sumakay na nga ang crew sa binigay na sasakyan, naluha talaga siya at halos di makapaniwala sa natanggap na biyaya.

Tunay nga raw na may mga tao pa talagang may ginintuang puso na handang tumulong sa mga taong nangangailangan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng pananakit ng mga batang "brat" sa kanilang ina, 3 million views na

Video ng pananakit ng mga batang "brat" sa kanilang ina, 3 million views na

Video ng nakaalarmang pananakit ng mga batang "brat" sa kanilang ina, 3 million views na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel