Tatay, isa-isang dinalhan ng bulalak ang tatlong anak niyang babae noong Valentine's day

Tatay, isa-isang dinalhan ng bulalak ang tatlong anak niyang babae noong Valentine's day

- Isang ama ang nag-abalang dalhan ng bulaklak ang mga anak niyang babae noong Araw ng mga puso

- Ideya pala ng ina ng mga dalagita ang ginawa na ito ng kanilang ama

- Kita ang pagkasurpresa at naging emosyonal pa ang mga anak sa ginawa na ito ng kanilang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng ama na si Chi Martillo kung saan dinalhan niya isa-isa ang tatlong dalagita niyang anak ng bulaklak noong Araw ng mga Puso.

May caption ang post na "I love you so much, guys!! I hope I made your day," kita sa mga larawan ng bawat anak ni Chi ang pagkagulat at pagkamangha na ginawa ng kanilang ama.

Sa edad ng mga anak ni Chi na 16 (Nikki) , 14 (Chelsea), at 12 (Chynna), naging espesyal na rin ang Araw ng mga Puso para sa kanila dahil sa ginawa na ito ng kanilang ama.

Ayon sa ABS-CBN news, sinabi ni Chi na ideya talaga ito ng kanyang misis.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"We agreed that it would be best for our girls to be spoiled with gifts by their first Valentine, me, so that when they come of age, they would look at guys’ character rather than be awed with gifts," ayon sa panayam kay Chi.

Kasama ng mga bulaklak ang sulat sa bawat isa na naayon din sa kanilang pagkatao at personalidad.

Ang isa sa tatlong dalagita na si Chelsea ay na-inspire sa ginawa ng ama. Kaya nagplano raw itong mamigay ng mga goodies sa kanyang mga kaklase na may kalakip na bible verses.

Katulong din ni Chelsea ang kanyang pamilya sa gawaing ito.

Patunay lamang na ang Valentine's day ay di lamang para sa mga magkasintahan at mag-asawa. Ang araw ng mga puso ay araw ng pagmamahal na dapat nadarama ng bawat tao.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Ronnie Alonte's rumored ex-GF and friends allegedly lambast Loisa Andalio over alleged video scandal

Ronnie Alonte's rumored ex-GF and friends allegedly lambast Loisa Andalio over alleged video scandal

Ronnie Alonte's rumored ex-GF & friends allegedly lambast Loisa Andalio over alleged video scandal
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel