Video ng asong humingi ng tulong para sa tuta niyang sugatan, 2.4 million views na

Video ng asong humingi ng tulong para sa tuta niyang sugatan, 2.4 million views na

- Viral ngayon ang video ng pagsagip ng grupong Animal aid sa isang tutang sugatan

- Kapansin-pansin ang video dahil sa ina ng tuta na nag-iingay upang makahingi ng tulong para sa kanyang anak

- Nagpakita ng katapangan ang tuta habang ginagamot ito at nang maibalik sa kanyang pamilya, nanumbalik din ang kanyang sigla na animo'y walang nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang video ng isang inang aso na humingi ng tulong para sa kanyang tuta na sugatan.

Kitang kita sa video na binahagi ng Animal aid kung paano mag-ingay ang aso na kanya palang paraan upang mapansin at matulungan ang anak niyang may sugat.

Nang dumating ang grupo ng Animal aid na siyang tumulong sa mag-ina, dahan dahan nitong kinuha ang tuta upang madala at magamot.

Di naisama ang ina dahil sa may ilan pa itong tuta na maiiwanat kailangan ding alagaan.

Nang madala ang tuta sa shelter ng mga aso, napag-alamang dalawang malalim na sugat ang natamo nito. Kinailangan itong tahiin at sa sobrang sakit, di na ito halos makalakad.

Ngunit, nagpakita raw ng katapangan ang tuta at unti-unting nanumbalik ang sigla. Maging ang mga kumalinga sa tuta na pinangalanan nilang si Toggle ay namangha sa pagiging magiliw nito.

Subalit kahit na napamahal na sila kay Toggle, alam nilang may naghihintay na pamilya sa kanya.

Kaya naman nang bumalik na nang tuluyan ang lakas ni Toggle, nagdesisyon na ang Animal aid na ibalik ito sa ina.

Nakakatunaw ng puso ang muling pagkikita ng tuta at inang aso na animo'y nanabik talaga sila sa isa't isa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na natunaw ang puso sa naturang video:

"What a beautiful tribute to a mother’s love and the power and possibility of human compassion!"
"I really cried watching the video . Thank you for saving the pup"
"Thank you so much for saving lives thank you for helping and caring for those who in need help"
"Glad Toggle was saved and reunited with his family"
"You just do the most amazing work ever. It is so heart-warming to see how much love all your helpers have for the animals"
"That was a nice story and I am happy that the little puppy was reunited with his family."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng nakaalarmang pananakit ng mga batang "brat" sa kanilang ina, 3 million views na

Video ng nakaalarmang pananakit ng mga batang "brat" sa kanilang ina, 3 million views na

Video ng nakaalarmang pananakit ng mga batang "brat" sa kanilang ina, 3 million views na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel