Hospital staffs na sangkot sa viral video ng agaw-buhay na pasyente, sinuspinde

Hospital staffs na sangkot sa viral video ng agaw-buhay na pasyente, sinuspinde

-Umabot sa 4 million ang views ng isang viral video ng isang lalaking agaw-buhay ngunit hindi umano inasikaso sa ospital

-Ayon sa report, natukoy na ang ospital kung saan ito naganap

-Maging ang mga staff ng ospital na sangkot sa video ay sinuspinde na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binatikos online ang kumalat na video ng isang agaw-buhay na lalaki na nasa isang ospital ngunit hindi umano inaasikaso ng mga staff roon.

Napag-alamang ang lalaki pala ay tinamaan ng bala sa ginawang anti-drug operation ng mga pulis.

Ayon sa report ng GMA News, tinukoy ni Cebu Provincial Health Officer Dr. Rene Catan na ang insidenteng ito ay naganap sa Tuburan District Hospital noong February 8.

Ngunit nilinaw nito na binigyan umano ng initial treatment ang pasyente na hindi nakuhanan sa nasabing viral video.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"The investigation is already going on. So unfortunate lang talaga na lumabas 'yun. Kasi kung titignan natin yung mga comment na wala daw silang ginagawa, may ibinigay silang initial treatment." ayon sa opisyal.

Sinuspinde na rin daw ang mga staff na sangkot sa video at inaming staff rin ng ospital ang kumuha sa video.

Posible umanong makasuhan ang mga staff na nag-upload sa video dahil sa paglabag sa Data Privacy Act bukod pa sa administrative charge.

Una nang naibalita ng KAMI ang lumabas na aktwal na video ng pasyente habang nag-aagaw-buhay sa nasabing ospital.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto says Marjorie Barretto is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie Barretto is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel