Babaeng magpapaganda sana para kay mister, patay nang madisgrasya sa salon

Babaeng magpapaganda sana para kay mister, patay nang madisgrasya sa salon

-Naghahanda para sa date sa Valentine's Day ang isang ginang nang maaksidente ito sa loob ng salon at masawi

-Sumalpok kasi ang isang SUV na minamaneho ng isang 18-anyos na driver sa mismong salon kung nasaan ang biktima

-Ayon sa report, maghaharap ang pamilya ng biktima at ng driver ng SUV upang mag-usap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naghahanda lamang ang ginang na si Fiesta Mae Cedeño para sa date nila ng kanyang asawa para sa Valentine's Day nang maaksidente ito sa loob ng salon at masawi.

Isang SUV kasi na minamaneho ng 18-anyos na si Alaica Grajan ang sumadsad papasok sa loob ng salon kung nasaan ang biktima.

Nangyari ito sa General Santos City nito lamang Huwebes, Araw ng mga Puso.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nasa bandang Dacera Avenue na si Grajan nang mawalan ito ng kontrol sa minamanehong SUV.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napunta ito sa kabilang lane at sumalpok sa isang pick up truck at tsaka nagtuloy-tuloy sa loob ng salon.

Naipit pa umano ang katawan ng 30-anyos na ginang at nagtulong-tulong pa ang mga taong nakasaksi para maalis ito sa pagkaka-ipit.

Dinala pa ito sa ospital ngunit pumanaw rin bandang 5:00 ng hapon.

Ang driver naman ng SUV ay dinala rin sa ospital dahil sa trauma sa aksidente na kinasangkutan.

Napag-alaman namang kamag-anak ng driver ang may-ari ng pick up na nasalpok nito at ang may-ari ng establisyemento.

Samantala, maghaharap-harap daw ang mga ito upang pag-usapan ang amicable settlement.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel