Kagigil! Misis, muntik himatayin sa galit sa matapang na kabit

Kagigil! Misis, muntik himatayin sa galit sa matapang na kabit

-Muntik nang mapahamak ang ginang na complainant sa Aksyon dahil sa sobrang gigil sa mister at kabit nito

-Dati na rin daw silang may usapan ng mga ito sa barangay na ititigil na ang kanilang relasyon ngunit tila matigas ang ulo ng mga ito

-Isa sa katibayan na posibleng magamit ay ang pagkakaroon ng anak ni mister sa kanyang kabit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Halos himatayin na sa sobrang galit at stress ang ginang na si Luisa Gamba, complainant sa Aksyon, dahil sa kanyang mister at sa kabit nito.

Inirereklamo nito ang asawang si Andro Gamba at ang kabit nito na si Janice Castro na patuloy pa rin ang relasyon.

Ayon kay Luisa, nagkaroon na sila ng pormal na usapan at nagka-pirmahan pa sa barangay, kasunduan na ititgil na ng dalawa ang kanilang relasyon.

Ngunit tila matigas ang ulo ng dalawa dahil hanggang sa ngayon ay patuloy pa umano ang dalawa sa bawal nilang pagsasama.

Bagamat itinanggi ni Janice na sila ay nagsasama, umamin naman ito na minamahal niya si Andro at nakikitulog pa ang lalaki sa kanila.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naghihinagpis naman si Luisa na ginawa na umano ang lahat para lamang maputol na ang pakiki-apid ng asawa.

Nagawa na umano nilang bigyan ng pang-hanapbuhay si janice para lamang manahimik at lumayo na ito.

Depensa naman nito, si Andro ang lumalapit sa kanya.

Ipinaliwanag naman ni Raffy Tulfo ang posibleng kahantungan nito at ng mister ni Luisa sakaling matauhan ang legal na asawa.

Posible pang magamit ang naging anak ni Andro kay Janice bilang ebidensiya ng pangangalunya nito.

Ayon pa kay idol Raffy, tila mas matapang pa ang kabit kumpara sa legit!

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie Barretto is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel