Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

Magkapatid, 4 at 2, magkayakap na namatay nang masunog ang kanilang bahay

- Magkayakap nang matagpuan ang bangkay ng dalawang magkapatid

- Wala silang kasama sa bahay nang mangyari ang trahedya dahil nasa trabaho ang mga magulang

- Sabi ng lolo nila, sobrang nagmamahalan ang dalawang bata dahil kung nasaan ang isa sa kanila ay nandun din ang isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang malungkot na balita ang bumungad sa mga taga Pampanga noong Araw ng mga Puso.

Nalaman ng KAMI na may isang bahay na nasunog at hindi na naagapan pa ng mga bumbero.

Ang masakit pa, may dalawang maliliit na bata na na-trap sa loob ng lumiliyab na bahay.

Hindi nakalabas sina Rianne Mary, 4-anyos, at Roxy Madelyn, 2-anyos, dahil wala rin silang kasama sa loob at nasa trabaho ang mga magulang.

Nang tumila na ang apoy, natagpuan na lang nila ang bangkay ng dalawang bata na magkayakap.

Ayon sa ulat ng GMA, dapat sana pupuntahan sila ng lolo nila nang umagang iyon kaya lang nang madatnan ni lolo nila ang bahay ay nasusunog na.

Sabi pa ng lolo na si Rolando Guezon, "Habang inaapula namin yung sunog, 'yun nga po nakita ko magkayakap pa rin.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Parati raw magkasama talaga ang mga bata na kung nasaan ang isa ay nandun din ang isa.

Bilang pag-alala sa magkapatid, nag-alay ang mga kapitbahay ng dalawang taho.

Ayon naman sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, ang sunog ay nagmula raw sa na-overload na extension cord.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Here's another interesting video for you. What would you do if a 10-year-old would ask you to light his cigarette? Will you give in? Find out in the video.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel