15 Pinay celebs na namumulaklak sa ganda dahil sa mga bulaklak na natanggap sa V-Day!

15 Pinay celebs na namumulaklak sa ganda dahil sa mga bulaklak na natanggap sa V-Day!

Narito ang 15 Pinay celebs na spotted ng KAMI na namumulaklak sa ganda dahil sa nagagandahang bouquet of flowers na natanggap mula sa kanilang mga iniibig o mga espesyal na tao sa kanilang buhay sa katatapos lang ng araw ng mga puso.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Katatapos lang ng Valentine's Day pero ang mga matamis na ngiti at saya sa puso ng mga nagagandahang mga Pinay celebs na ito ay kitang-kita pa at lutang na lutang.

1. Aiko Melendez

Bonggang bouquet of flowers naman ang tinanggap ni Aiko Melendez para sa araw ng mga puso mula sa kanyang boyfriend.

2. Angelica Panganiban

Ibinahagi ni Angelica Panganiban ang naging kontrobersiyal na bouquet of flowers na natanggap sa Valentine's Day dahil sa pagkapareho raw ng arrangement kay Trina Candaza.

3. Arci Munoz

Sinalungat naman ni Arci Munoz at businessman boyfriend ang pag-celebrate ng Valentine's date dahil si Arci ang nagsorpresa sa bf na si Anthony Ng ng isang napaka-sweet at cozy dinner date.

Pero hindi pa rin na-miss ni Anthony na maghandog ng bulaklak para kay Arci.

4.Barbie Forteza

Namumula naman sa pag-ibig ang handog ng boyfriend ni Barbie Forteza na si Jak Roberto.

Naging emosyonal naman si Barbie sa magarbong sorpresa ni Jak sa kanya.

5. Carmina Villaroel

Isa sa mga hinahangaan sa showbiz na mga celebrity couples ay sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Ito ay dahil na rin sa kanilang ka-sweetan at ka-thoughtful pagdating sa mga espesyal na okasyon gaya na lang ng V-Day.

6. Gabbi Garcia

Nag-fine dining naman sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos bukod pa sa pa-bulaklak ni Khalil.

7. Heart Evangelista

Hindi man nag-post si Heart Evangelista ng bouquet ng bulaklak sa kanyang 34th birthday na Valentine's Day rin ay napaka-bongga naman ng bouquet of flowers ang ibinigay sa kanya today ni Senator Chiz Escudero, February 15, 2019, sa araw ng kanilang anibersaryo bilang mag-asawa.

8. Jinkee Pacquiao

Bukod pa sa red roses na bigay ng kanyang panganay na anak na si Jimuel Pacquiao, na kaka-birthday lang, ay hindi rin nagpahuli si Senator Manny Pacquiao at humabol pa ng napaka-pretty na pinkish and white na mga rosas.

9. Kim Chiu

Simple man na salo-salo ang nangyari sa Valentine's date nina Kim Chiu at Xian Lim ay hindi naman nagpahuli si Xian na magbitbit ng bonggang bulaklak.

Una ng ibinahagi ni Xian, kasama ng lima pang showbiz couples na nagbigay ng kanilang getaway tips kamakailan, na dapat spontaneous lang daw ang ganitong klaseng date.

10. Kylie Padilla

Kinilig naman si Kylie Padilla at lalong na-inlove sa paandar ng mister na si Aljur Abrenica dahil bukod sa bouquet of flowers ay may pa heart shape pa siya na bulaklak sa sahig.

11. Loisa Andalio

Samantalang proud naman na ibinahagi ni Loisa Andalio na pangatlong V-Day na silang magkasama ni It's Showtime Hashtag Ronnie.

Kamakailan lang ay ipinakita ni Loisa Andalio ang mga pictures nila ni Ronnie na hindi pa nila ibinahagi sa kanilang anibersaryo.

12. Maja Salvador

Mukhang may nagbabalik naman sa buhay ni Maja Salvador, ayon na rin sa message sa bouquet of red roses na natanggap ng Kapamilya aktres.

13. Maymay Entrata

Super kilig naman ang mga MayWard sa pa-bulaklak ni Edward Barber kay Maymay Entrata.

Bukod pa sa pagiging isa sa mga best-dressed couples sa Pure Magic party ay best na best rin ang dalawa sa pagpapakilig sa kanilang mga faney.

14. Mika dela Cruz

Pinagluto at hinandaan naman ni Nash Aguas si Mika dela Cruz para sa kanilang V-Day date at may kasama pang bouquet ng sunflowers.

15. Regine Velasquez

Hindi rin nagpahuli si Ogie Alcasid sa pagbigay ng bulaklak sa kanyang Asia's Songbird wife na si Regine Velasquez.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel