Former MTV VJ Belinda Panelo, na-videohan ang naranasang "racist rant" sa kanila ng anak sa US

Former MTV VJ Belinda Panelo, na-videohan ang naranasang "racist rant" sa kanila ng anak sa US

- Nakaranas si Belinda Panelo, isang former MTV VJ, at ang kanyang anak ng "racist rant" sa Amerika

- Ito ay habang naka-park sila sa publikong lugar ng Playa Vista sa California

- Sa naturang video ay makikita at maririnig ang babae na nagsasabi ng "[...] doesn't even look human"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Biktima si Belinda Panelo at ang kanyang anak na lalaki ng racial slur o racist rant sa Amerika, ayon pa sa balita na napag-alaman ng KAMI.

Makikita sa video na ibinahagi ni Belinda na dating MTV VJ dito sa Pinas ang pagsigaw sa kanila ng naturang babae habang naka-park ang kanilang sasakyan sa isang publikong lugar sa Playa Vista sa California.

Sigaw pa ng babae sa naturang video:

"What are you? [...] doesn't even look human."

Sinagot naman ito ni Belinda sa magalang na paraan.

“Are you okay, Ma’am?”

At tumugon naman ang babae ng isa pang hindi kaaya-ayang mga salita.

“No, I’m not. We don’t want you here. This is our street. Leave us alone. We pay $10,000 to keep you out."

Sa panayam naman ng news reporter kay Belinda ay hindi raw niya na-videohan ang rurok ng racism ng nasabing babae.

Pero pagbahagi pa niya, ang babae raw ay patuloy na nagtatanong sa kanila ng anak kung ano ba raw na "mix" sila.

Tinawag rin sila umano ng babae na "ugly, poor, and subhumans," ani pa sa ulat ng abc30.

Si Belinda Panelo ay nakilala sa Pilipinas nang manalo sa MTV VJ Hunt, ayon pa sa PEP.

Naging kasama raw niya si KC Montenro, noong 1999.

Sa ngayon, sa LA siya naninirahan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel