80-anyos, kumakayod pa rin kahit nararamdaman na malapit na siyang pumanaw

80-anyos, kumakayod pa rin kahit nararamdaman na malapit na siyang pumanaw

-Araw-araw pa rin kung mag-tinda ng kanyang mga panindang apron ang 80-anyos na si lolo Romy Gaa

-Nararamdaman na daw kasi niya na tila siya'y malapit nang magpaalam

-Kaya naman patuloy itong kumakayod upang kahit papaano ay may maiwanan siya sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi iniinda ni lolo Romy Gaa ang kanyang kahinaan upang araw-araw ay makapag-tinda pa rin ng kanyang mga panindang apron.

Sa halagang P100 para sa tatlong piraso nito, matiyaga itong inilalako sa isang kalye sa Caloocan ng 80-anyos na lolo.

Kahit na nararamdaman na niya na siya ay malapit nang mamaalam sa mundo, patuloy siyang kumakayod upang kahit paano ay may maiwan daw sa kanyang pamilya.

Handa naman daw siya na pumanaw ngunit ang ikinakatakot niya ay ang wala man lang maiwan sa mga minamahal.

Dahil dito, buong-lakas niya pa ring inilalako ang mga paninda.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Katulong ang asawang si lola Cora na siyang nagtatabas ng mga apron.

Ayon pa kay lola Cora, madalas sabihin ni lolo Romy na tila nararamdaman na nito ang huling mga araw sa mundo.

Pinalalakas na lamang niya ang loob nito at ipinararamdam ang pagmamahal para rito.

Maging ang mga apo nila ay makikita ang pagmamahal para sa lolo. Nakiusap pa ang isa sa mga ito na huwag na sanang sabihin pa na mawawala na ito dahil mahal na mahal nila ito.

Sa istoryang ito ni lolo Romy na naitampok sa Mission Impossible, makikita at mararamdamang isang responsable at mapagmahal na asawa, ama at lolo ito.

Hangad ng KAMI na humaba pa ang buhay ni lolo Romy.

Samantala, naitampok na rin sa isang artikulo ng KAMI ang buhay ng isa namang 80-anyos na kargador na si lolo Ben, na hanggang ngayon ay nagha-hanapbuhay pa rin para sa mga apo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel