Nakakabilib na pag-unlad ng dating OFW at asawa nito! Nakatulong pa sa ilang misis

Nakakabilib na pag-unlad ng dating OFW at asawa nito! Nakatulong pa sa ilang misis

-Isa nang matagumpay na negosyante ang dating OFW at ang asawa nito na dating plain housewife

-Ibinahagi nila ang kanilang naging simula bago lakas-loob na sumubok mag-negosyo sa maliit na puhunan

-Sa kasalukuyan, hindi lamang ang kanilang pamilya ang umunlad, kung hindi pati na rin ang ilang mga naniwala sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dating overseas Filipino worker (OFW) si Jerry Pangilinan habang ang asawa naman nito na si Ghie ay isang plain housewife at may kaunting sideline lamang.

Kwento ng mag-asawa, dumanas din sila ng kahirapan hindi lamang sa pinansiyal na aspeto, pati na rin sa emosyonal dahil magkahiwalay sila.

At kahit pa nga isang seaman si Jerry ay hindi ito naging sapat para sila ay umasenso. Habang si Ghie naman ay pinursigeng matulungan ang asawa.

Bukod kasi sa kanilang pamilya ay kailangan din niyang tulungan ang ina at mga kapatid.

Hindi tumigil si Ghie sa pagtitinda ng kung ano-ano online at inamin nitong hindi pumatok ang marami rito.

Hanggang sa madiskubre niya ang pagtitinda ng mga beauty products na siyang naging ugat ng kanilang asenso.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi nagtagal ay nagkaroon na siya ng sariling produkto na naging maganda ang kita. Kaya naman nagdesisyon na siyang pauwiin ang asawa.

Magkatulong nilang pinalago ang negosyo na Skin Magical na tila mahika ngang mas lumago pa.

Dumami ang kanilang parokyano at maging mga distributor sa iba't-ibang lugar sa bansa.

Patunay nito ang ilang mga nag-lakas-loob ding mag-negosyo na karaniwang mga plain housewife rin na gustong umasenso.

Payo ng mag-asawa, huwag matakot na sumubok at maniwala lamang sa inyong produkto upang makamit ang hinahangad na pag-unlad sa buhay.

Narito ang kanilang kwento na itinampok sa May Puhunan:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel