16-anyos na babae, natagpuang may gilit sa leeg at tadtad ng saksak ang ulo

16-anyos na babae, natagpuang may gilit sa leeg at tadtad ng saksak ang ulo

-Sa loob mismo ng kanilang tahanan natagpuan ang duguan bangkay ng isang 16-anyos na dalaga

-Ayon sa report, ang boyfriend nito ang itinuturing na person of interest sa krimen

-May gilit sa leeg at tadtad ng saksak ang ulo ng biktima nang makita ito ng mga magulang na isa nang bangkay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang inabot ng isang 16-anyos na dalaga sa Zacharias Subdivision sa Barangay Ayaman sa Cabatuan Iloilo.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, may gilit sa leeg at tadtad ng saksak ang ulo nito nang makita ito ng mga magulang sa loob ng kanilang tahanan.

Kinilala ang biktima na si Arizza Marie Mayormente.

Sa inisyal na imbestigasyon, inihatid umano ito ang biktima ng kanyang ama na si Ariston sa kanilang bahay at tsaka iniwang mag-isa.

Dito na umano posibleng pumasok ang salarin at isinagawa ang krimen.

Samantala, ayon sa isang kapitbahay ng pamilya na si Jimmy Ballador, may narinig siyang sigaw na tila humihingi ng saklolo bandang 10:00 ng gabi noong Miyerkules.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit hindi umano ito sigurado kung saan nagmula ang pagsigaw.

Kinaumagahan, tumambad sa kanya ang balita na patay na ang kapitbahay na dalagita.

Mula pa rin sa report ng ABS-CBN News, kinumpirma ng mga pulis na ang nobyo ng dalagita ang itinuturong person of interest sa krimen.

Habang iniimbestigahan pa ng Scene of the Crime Operative (SOCO) kung hinalay rin ang biktima.

Hindi na bago ang ganitong balita, isang 12-anyos na dalagita rin ang natagpuang may gilit sa leeg na ikinamatay nito at posibleng pinagtangkaan pang halayin.

Una na itong naibalita na KAMI, at ang tiyuhin ng biktima ang siyang suspek sa krimen.

16-anyos na dalaga, natagpuang may gilit sa leeg at tadtad ng saksak ang ulo

Photo source: ABS-CBN News
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
7 lovely celebs who stunned everyone at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel