Kasal ng mag-BFF na bading at babae, di sinipot ng di naniwalang mga kaibigan

Kasal ng mag-BFF na bading at babae, di sinipot ng di naniwalang mga kaibigan

- Tumapat ng April Fools day ang kasalan ng mag-BFF na bading at babae kaya di naniwala ang mga inimbitahan nila

- High school pa lang ay matalik na silang magkaibigan at alam na ng babae na bakla ang BFF

- Di niya inakala na mahuhulog ang loob niya sa BFF kahit pa ito ay isang bakla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magkababata at matalik na magkaibigan sina Art Dan at Mary Jane Diate. Magkapitbahay pa sila sa Opol, Misamis Oriental.

Ayon sa ABS-CBN, bata pa lamang daw si Art ay kita na ang pagiging bakla nito. Kaya naman di raw lubos maisip ni Mary Jane na mahuhulog ang kanyang loob sa BFF.

Noong sila'y high school pa lamang, lagi na rin silang magka-partner sa sayaw. At dahil close sila ni Art, libre lagi ang make-up ni Mary Jane kapag mayroon silang mga sinasalihang sayaw.

Ngunit bago pa mahulog ang lopb ni Mary Jane sa BFF, nakalimang nobyo pa muna ito.

"Tinanong niya ako kung may feelings ba daw ako sa kaniya. Tumawa ako kasi na-conscious ako sa isasagot ko para lang kasi kaming magkapatid. Pero sabi ko, meron kaunti, hanggang nong magtagal, na-develop na nga, magical talaga ang love," kwento ni Art.

Nalaman ng KAMI na naging opisyal silang magkasintahan noong February 20, 2010.

Di naging madali ang relasyon nila lalo pa tutol ang ama ni Mary Jane kay Art.

Di nagpatinag ang dalawa at nilihim nila ang tatlong taon ang relasyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa lbis na pagmamahal ni Art kay Mary Jane, bumalik na siya sa pagdadamit lalaki.

Apil 1 2014, laking gulat nila nang wala raw niisa sa kanilang mga kaibigan ang dumalo dahil sa walang naniwala.

"April 1 is April Fool’s Day, inimvite namin ang mga kaibigan namin para sa civil wedding namin, tapos wala ni isa sa kanilang dumalo, dahil hindi sila naniwala," kwento ni Art.

Masaya na ang buhay may pamilya ng dalawa. Biniyayaan pa sila ng tatlong mga anak na ang 2 pa rito ay fraternal twins.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto has a message for Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi

Gretchen Barretto has a message for niece Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi

Gretchen Barretto has a message for niece Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel