Nakakapanlumo! 5-anyos, patay sa pananakal ng yaya na aburido lang sa BF

Nakakapanlumo! 5-anyos, patay sa pananakal ng yaya na aburido lang sa BF

-Muling nagbabala ang mga awtoridad na mas maging maingat sa pagkuha ng mga yaya ng mga bata

-Isang batang 5-anyos lamang ang napatay ng kanyang yaya sa sakal

-Pinalabas pa umano nito noong una na nagpatiwakal ang walang muwang na paslit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Deretso sa kulungan ang isang 18 taong gulang na babae matapos niyang mapatay sa sakal ang isa sa kanyang mga alaga na 5-anyos pa lamang sa General Santos.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, pinalabas pa raw ng suspek na kinilalang si Anselma Yangon na nagpatiwakal ang bata.

“Allegedly, itong katulong, pumasok na lang sa playroom at nakita na lang ang bata na nakatayo at may tali sa leeg. Dinala sa ospital pero dead on arrival,”

Ito ang pahayag ni Chief Insp. Ananais Vasquez sa panayam dito.

Tinangka pa umano ng suspek na dalawang taon nang naninilbihan sa pamilya, na patayin rin ang isa pang alaga nito na 3-anyos naman, ayon sa pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mayroon daw kasing mga taling nakita sa loob ng bahay at tsaka umano ito magpapakamatay rin.

Ang itinuturong dahilan nito ay ang pag-aaway nito at ng nobyo nito bago ang Valentine's Day kaya naman naging aburido ang babae.

Ngunit mariin naman itong itinaggi ng suspek. Humingi naman ito ng tawad mula sa kaanak ng nasawing alaga.

“Sana mapatawad nila ako, kasi hindi ko naman po sinasadya,” sabi pa ni Yangon.

Nagbabala naman muli ang mga awtoridad sa mga magulang sa pagkuha ng mga yaya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto has a message for Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi

Gretchen Barretto has a message for niece Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi

Gretchen Barretto has a message for niece Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel