Juan Karlos Labajo, umagaw atensyon online nang tawagin si Maureen Wroblewitz ng "aking Buwan"

Juan Karlos Labajo, umagaw atensyon online nang tawagin si Maureen Wroblewitz ng "aking Buwan"

- Mukhang pumapag-ibig na rin si Juan Karlos Labajo nang tawaging "Ang aking Buwan" si Maureen Wroblewitz

- Umagaw atensyon nga sa social media ang Valentine's Day post ng dating 'The Voice Kids Ph' contestant

- Bumuhos ang kinikilig na mga netizens at fans sa naturang post ni JK para kay Maureen

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Oh, pag-ibig nga naman! Ito ang kadalasang bukang-bibig ng mga tao pagdating ng araw ng mga puso at isa sa tila natamaan ng pana ni Kupido ay si Juan Karlos Labajo at mukhang lakas ng tama raw ng binata kay Maureen Wroblewitz, at naispatan ito ng KAMI.

Hindi nga nagpahuli si JK sa pagdiriwang ng Valentine's Day at sa nasabing araw ay umagaw atensyon siya sa kanyang Instagram post nang tawagin niya si Eat Bulaga dabarkad Maureen ng "Ang aking Buwan."

Bumuhos naman ang samu't saring reaksyon ng mga netizens at followers ni JK kaugnay sa naturang post.

"@mauwrob @karloslabajo papatayin nio ba kami sa kilig? huhuhu panu naman kming mga single?"
"grabe pusoooo"
"@mauwrob @karloslabajo heheheh kilig go lang mga bae love love lang"
"Wala na finish na tlaga haha"
"Sila na pala? Owemgeee"
"and she replied,,,nag tumbling ang puso ko"
"Oh may ghaaaad!! Kinikilig ako...Happy for you both"
"pinusuan na po ni baby girl ayieeee...Wala na finish na! Love you both"
"OMG Kilig much!!!! I kennat!"
"Shemssss di ako informeddddd"

Ibinahagi namin kamakailan lang ang nag-viral na bali-balita na nili-link sina JK at Maureen.

Si Maureen Wroblewitz ay lumabas sa music video ni Juan Karlos "JK" Labajo na pinamagatang "Buwan."

Si JK ay unang nakilala at sumikat nang manalo bilang 2nd runner-up sa 'The Voice Kids Ph' noong 2014.

Habang si Maureen Wroblewitz naman ay nakilala ng husto nang maiuwi ang Asia's Next Top Model title ng Cycle 5.

Ayon pa sa balita ng cosmo.ph, kaka-18 lang ni JK habang si Maureen ay 20 years old.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan at nakipag-intrigahan kay Vice Ganda sa GGV

"Sounds like Ion!" Charo Santos, nakipagkulitan kay Vice Ganda sa GGV
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel