Treasurer ng barangay, muntik nang matangay ang pasweldo na aabot sa halagang ₱100,000

Treasurer ng barangay, muntik nang matangay ang pasweldo na aabot sa halagang ₱100,000

- Itatakbo sana ng isang barangay treasurer ang halagang ₱43,000 nang pumalpak ang kanyang mga plano

- Nauna na niyang naipuslit ang ₱57,000 na pasweldo sana sa mga opisyales ng barangay ngunit di ito naibigay

- Kung natuloy ang plano ng tresurera, aabot sa ₱100,000 ang makukulimbat nitong pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lakas loob pang nagtungo ng pulisya ang isang barangay treasurer sa Taal, Batangas para magsumbong di umano na nalaslasan siya ng bag.

Ayon sa ABS-CBN, laman daw ng bag ni Sharron Jaravata, barangay treasurer ng Barangay Mahabang Ludlod sa Taal, ang umano'y pera ng barangay.

Agad namang rumesponde ang Taal police at nag-imbestiga sa lugar kung saan nalaslasan ng bag ang tresurera.

Doon may nagbigay impormasyon sa mga pulis na may naiwan na gamit ang babae sa isang tindahan na pinuntahan nito.

Sinabi ni Sharron na tsinelas ang binili niya sa naturang tindahan ngunit sapatos daw ang pinapadala nito sa kanilang bahay.

Kaya naman nagsimula nang magduda ang pulisya at agad pinuntahan ang sinabing pinaghabilinan nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Doon tumambad sa kanila ang malaking halaga ng pera na nakita sa insole ng sapatos.

Di na naitanggi ni Sharron ang nagawa lalo pa at lumabas din sa imbestigasyon na di ito ang unang beses na nagawa ito ng trasurera.

Pebrero 8 nang unang nag-withdraw si Sharron ng ₱57,000 para sana sa mga opisyales ng baragay na di rin naibigay sa mga ito.

Kaya kung natuloy, ang binalak ng barangay treasurer, aabot sa ₱100,000 ang makukulimbat na pera.

Dahil dito nagbigay din ng paalala ang ilang opisyal nag barangay, mas mainam na di lamang isa ang nagwi-withdraw ng inyong pondo nang sa ganun ay mayroon saksi sa transaksyon na iyoon ginagawa.

Samantala, nasa kustodiya na ng mga pulis si Sharron at makakasuhan ng malversation of public funds.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Comelec asks DOH to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters

Comelec wants to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters

Comelec asks DOH to take down Bong Go’s ‘Malasakit Center’ posters
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel