Arci Munoz, tila sinalungat ang tradisyonal na pagdiriwang ng Valentine's Day

Arci Munoz, tila sinalungat ang tradisyonal na pagdiriwang ng Valentine's Day

- Sinalungat ni Arci Munoz ang tila tradisyonal na pagdiriwang ng Valentine's Day

- Embes ang boyfie ang magsorpresa sa kanya ay siya ang gumawa ng napaka-sweet na surprise V-Day dinner date

- Pag-amin pa nga ni Arci sa kanyang post, "Truly I am a man on a woman's body!!!"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Iba ang paandar at atake ni Arci Munoz at boyfriend nito na isang businessman na si Anthony Ng sa pag-celebrate ng Valentine's Day at spotted ito ng KAMI.

Kung nakasanayan na raw natin mga Filipino na ang lalaki ang naghahanda ng isang sweet surprise para sa araw ng mga puso ay mukhang iba naman ang sapataha ni Arci.

Ibinahagi ng push.com.ph ang nakakamangha at nakakabilib na sorpresa ng aktres-bokalista-author sa pagdiwang ng Heart's Day.

Sa halip na ang boyfriend ang maghanda ng bonggang sorpresa ay siya ang gumawa nito at ibinahagi niya ito sa kanyang mga followers sa kanyang Instagram page.

Bungad pa na pag-amin ni Arci:

"Truly I am a man on a woman's body!!!"

Patuloy pa na pagbahagi niya ay ang sorpresa na inihanda niya kay Anthony.

"suprised and cooked for my oppa for valentines! On #Ramonacooks menu: rib eye and tenderloin steak, truffle vinaigrette arugula salad, pasta arrabiata."

Isiniwalat din niya ang pag-aaral ng paggawa ng table napkins na inistilo niya sa hugis rosas.

"even learned how to make rose table napkins today! Aaaayyy! #happyvalentinesday"

At sa pagtatapos ng kanyang caption ay nagbiro pa ito sa kanyang boyfriend na tinawag niyang Oppa na maswerte ito sa kanya.

"swerte mo talaga sakin oppa!! Grabe!!!!! Hahahha"

Kamakailan lang, ibinalita namin ang tungkol sa pagdiwang nila ng birthday ni Anthony sa Bahamas.

Inamin ni Arci Munoz na friends sila ni Anthony Ng for 3 years bago na-realize ang feelings sa isa't isa, ayon pa sa naunang balita ng Star Cinema ABS-CBN News.

Sa pagbahagi ni Arci sa Magandang Buhay last year ay isa raw "genuinely good guy who knows what he has and works to keep it" si Anthony, ayon pa sa pagkasulat ng source media outlet sa paglarawan ng aktres sa bf.

POPULAR: Read more news about Arci Munoz here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel