Dingdong Avanzado, sinorpresa ang anak sa Valentine’s day ng bonggang Anna York Flowers

Dingdong Avanzado, sinorpresa ang anak sa Valentine’s day ng bonggang Anna York Flowers

- Hinandugaan ni Dingdong Avanzado ng magarang bulaklak ang anak na si Jayda kinabukasan ng Valentine’s day

- Nagsuot pa ang celebrity dad ng tuxedo pagkagising fresh from bed upang sorpresahin ang anak

- Kinilig ang mga netizens sa sweetness ng singer para sa kanyang prinsesa

PAY ATTENTION: Click “See First” under the “Following” tab to see KAMI news on your News Feed

Si Dingdong Avanzado ay bumaba na naka-tuxedo pagkagising na pagkagising upang handugan ng magarbong Anna York Flowers ang kanilang anak ni Jessa Zaragoza na si Jayda para sa Valentine’s day.

Sa Instagram post ng Phenomenal Diva, sinabi nitong gandang-ganda siya sa mga bulaklak na regalo ng asawa para sa anak.

“Dad! You’re so sweet! Thank you! They are pretty (flowers)! These are from Anna York”, sinabi ni Jayda

Masayang-masaya si Jayda sa pink flowers na sorpresa ng kanyang ama na may kasama pang short message.

“To my Dear Jayda, You’ve been my Valentine for the past 16 years. Would you still be my Valentine? Happy Hearts Day My Princess! Love, Dad”, nakasaad sa short message ng singer-actor-politician para sa kanyang prinsesa.

Nang pansinin ng singer-actress na nag-suit pa ang asawa, sinabi ni Dingdong na gusto niyang maging mas espesyal ito para kay Jayda na naging tradisyon na rin daw niya taon-taon.

Napag-alaman din ng KAMI na nagpost din si Dingdong sa kanyang Instagram account kasama ang kaniyang ‘hot’ date sa Valentine’s day at ang parehong video na may caption na “notice the hair nakatikwas!”.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gayundin, nagpost din ng kaniyang version si Jayda sa kanyang Instagram account ng kanyang forever valentine.

Natuwa naman ang maraming netizens at sinabing huwarang ama si Dingdong at pinaka-sweet na ama sa balat ng lupa.

Si Jessa Zaragoza ay ikinasal kay Dingdong noong March 1, 2001 at si Jayda ang kanilang naging prinsesa. Napapanood si Jessa tuwing sabado ng gabi sa Philippine television situational comedy series na Pepito Manaloto.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

All of our actions have consequences. Find out what a father taught his son in this video regarding the reality of life. Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Teddy Corpuz breaks his silence on alleged disbandment of 'Rocksteddy'

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’

Teddy Corpuz gets honest about the alleged disbandment of ‘Rocksteddy’
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel