Larawan ng magkasintahang nag-date sa tambakan ng basura, nag-viral

Larawan ng magkasintahang nag-date sa tambakan ng basura, nag-viral

- Agaw eksena ngayon ang larawan ng magkasintahang naisipan di umanong mag-date sa tambakan ng basura

- Kuha raw ito ng isang environmentalist group na may adbokasiyang gisingin ang mga mamayan ukol sa mga problema ng ating kapaligiran

- Ito raw ang paraan ng grupo upang hikayatin din ang mga tao na makiisa sa mga paraan ng pagsasaayos ng ating kalikasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang larawan ng magkasintahang nakuha pa di umanong mag-date sa tambakan ng basura.

Ayon sa Cebu daily news, sinadya raw itong gawin at kunan ng larawan ng mga environmentalist ng Cebu para sa Araw ng mga Puso.

May caption ito na “A glimpse of the future?” na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Si Tony Galon ang utak ng ganitong konsepto ng larawan. Siya ang founder ng “5pcs Daily Habit” movement, tumbler of hope, sikad.pukaw at basura run na lahat ay pawang patungkol sa pangangalaga sa kalikasan.

Nagsimula ang organisasyon noong 2015 kung saan namumulot lamang ang mga miyembro nila ng anumang nakikitang 5 plastik araw-araw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naisip niya ang ganitong konsepto bilang bahagi ng kanyang new year's resolution. Nakita niya kasi noong sila ay nagkaroon ng marathon kung saan basta na lamang tinatapon ng mga runners ang mga bote ng tubig matapos nilang maubos ang inumin.

Kaya naman ang larawan ng magkasintahang nagdi-date ay bahagi pa rin ng kanilang adbokasiya upang gisingin ang mga mamayan na kumilos at makiisa upang maisalba pa ang kalikasan.

Narito naman ang ilang komento ng mga mga netizens nakakita sa kakaibang date sa basurahan.

"good way to showcase Earth's pressing problem... i hope everybody will reflect..."
" "Papansin" Yes po mga ma'am, mga sir. That's the goal - to raise awareness of a worsening problem that only a few bat an eye on. You don't even have to read the article to get the message. Why do you folks have to be so cynical? Pfft.
"Nag linis nalang sana itong mga ugok na ito sa basura jan bakit kung kumakain sila doon malinis na paligid ng tambak na basuro o pang.post lang yan"
"Nice photo op to put across one's advocacy. Nothing wrong with it if that's their peg. I'm curious tho to see the subsequent shots (if any) showing them eating and finishing their food with the attendants at bay the whole time."
"I assume that is not a legal dumpsite it looks like the side of a mountain....I don't know if l would spoil a good meal but awareness is important....that is disgusting and one would ask where are the authorities?"
"Sa tingin ko nakatingin cla kung makakain b ung couple sa basurang nakapaligid. Tumingin kaya cla kung gaano ba kabigat ang kinahaharap nating problema sa basura. Kung ndi cla ikaw, tayo, mag cmula tamang pagtapon ng basura, mag recycle AT WAG NG GUMAMIT NG PLASTIC. sa batangas ganun sana all. pero ndi ako taga batangas pero makikita mo ung dsiplina nla doon."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu

Naaagnas na bangkay ng babae, natagpuan! Suspek sa krimen ang live-in partner nito

Dahil sa selos! Naaagnas na katawan ng babae, natagpuan sa Cebu
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel