Dalawang batang kumakain ng mula sa basurahan, nabiyayaan ng tulong dahil sa gurong nagmalasakit

Dalawang batang kumakain ng mula sa basurahan, nabiyayaan ng tulong dahil sa gurong nagmalasakit

- Isang 10 taong gulang at isang 12 taong gulang na mga bata ang nakita ng isang guro na nangangalkal ng basura upang maghanap ng makakain

- Hiyang hiya ang ina ng dalawa dahil sa wala itong maipakain sa mga anak

- Nabiyayaan ng tulong ang mag-iina na iniwan pala ng padre-de-pamilya at di makapagtrabaho ang ina dahil sa walang mag-aalaga sa apat na mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nadurog ang puso ng mga netizen sa viral post ngayon tungkol sa dalawang batang lalaki na kumakain ng pagkain mula sa basurahan.

Ayon sa Buzzooks, isang guro ang nakakita sa magkapatid na naghahanap ng makakain sa basurahan malapit sa cafeteria.

Ang magkapatid, edad 10 at 12 ay dalawa lamang sa apat na mga anak ni Mardinah Dabe Martin, na iniwan na pala ng kanilang padre-de-pamilya.

Kwento ng 35 anyos na ina na taga-Malaysia, di siya makapagtrabaho dahil sa wala namang mag-iintindi sa kanyang mga anak lalo pa at mayroon pa siyang 6 at 7 taong gulang lamang.

Nalaman ng KAMI na naaawa na lamang ang mga kapitbahay nina Mardinah, kaya inaabutan na lamang nila ang mag-iina ng makakain. Minsan, isinasabay na rin nila ang dalawang nag-aaral na bata papasok ng paaralan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman, sa isang araw, walang matinong kain ang mag-iina. Pag minalas, wala talagang laman ang sikmura nila sa maghapon.

Samantala, pinatawag si Mardinah ng paaralan upang malaman kung bakit nagagawa ng kanyang mga anak na kumain ng mula sa basura.

Hiyang hiya siyang sinabi ang dahilan na naunawaan naman ng paaralan.

Kaya naman sa tulong ng mga guro, nakahanap ng organisasyon tulad ng The Malaysian Freedom Riders Club, the Terengganu Artist Association at ang Kemaman Triton Club na nakatulong sa mag-iina.

Di lamang pagkain ang naibigay sa mga bata at ina kundi ilang kagamitan din sa bahay.

Di rito humihinto ang pagbuhos ng tulong sa kanila at gagawa rin ng paraan ang mga organisasyon na magkaroon ng pangkabuhayan si Mardinah na pagkukunan niya ng ikabubuhay nila sa pang-araw araw kahit nasa bahay lamang siya at nag-aalaga ng mga anak.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng $1 million

Gurong binibigay ang 80% ng sahod sa mahihirap, nanalo ng nasa ₱52 million
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel