Cebuana beauty queen, pinakasalan ang babaeng crush niya noong high school

Cebuana beauty queen, pinakasalan ang babaeng crush niya noong high school

- Kinasal ang Cebuana beauty queen na si Vida Doriza Reya-Base sa kanyang ka-"MU" mula pa noong high school na si Verna Base

- Nag-isang dibdib ang dalawa sa Los Angeles, California noong Disyembre 15 sa travel themed wedding na dinaluhan ng 25 na malalapit na tao sa dalawa

- 2012 pa nang maging opisyal ang kanilang relasyon hanggang sa nag-propose na si Verna kay Vida noong 2017

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinasal noong Disyembre 15 sa Los Angeles California ang Cebuana beauty titlist na si Vida Doriza Reya-Base sa kanyang babaeng high school crush na si Verna Base.

Kwento ni Vida sa Cebu Daily news, sikat daw talaga noon si Verna sa all girls school nila dahil miyembro ito ng voleyball varsity team.

Taong 2000, nagkahiwalay sila ng landas dahil sa California magtatapos ng pag-aaral si Verna.

Sa tulong ng isang kaibigan, muling nabuksan ang komunikasyon nina Vida at Verna taong 2012.

Nalaman din nilang walang pinagbago ang pagtingin nila sa isa't isa at kung anuman ang kanilang nararamdaman noong sila ay nasa high school pa lamang.

Kaya naman di nagtagal, naging opisyal ang kanilang relasyon nang taong din iyon.

Isa sa mga kailangan nilang panindigan ay ang kanilang long distance relationship. Sa tulong ng facetime at messenger, naibsan ang pangungulila nila sa isa't isa.

Nagagawan din nila ng paraan na magkita at mag-travel sa iba't ibang lugar sa Pilipinas.

Disyembre 12 ng 2017 nang makamit ni Verna ang matamis na oo ni Vida nang ayain niya itong magpakasal.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

2020 pa sana nila balak magpakasal ngunit di na nila ito pinatagal pa. Bago matapos ang taong 2018, kinasal sila Los Angeles na may 25 na malalapit na tao sa kanila lamang ang dumalo.

Isa professional model si Vida at nanalo na rin sa ilang mga beauty pageants sa bansa lalo na sa Cebu. Naging kinatawan din siya ng Miss Asia Awards 2017 sa Seoul, Korea.

Dahil dito, di maiwasang mahusgahan si Vida lalo na nang nilantad niya ang pagkakaroon ng atraksyon sa kapwa babae.

Para kasi sa kanya, tinitingnan niya ang tao bilang tao hindi sa kung anuman ang kanyang kasarian.

Naranasan din naman daw niyang makipag-date sa mga lalaki at aminado siyang marami ring natutunan sa mmga ito.

Sa ngayon, walang pagsidlan ang kanilang kaligayan ni Verna. Marami na silang nalampasan at napatunayan sa kanilang relasyon at natutunan nila ang kahalagan ng komunikasyon sa pagmamahalan nilang dalawa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions.

Source: Kami.com.ph

Related news
41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura

Middle-aged na babae, ibinahagi ang kanyang sikreto para magmukhang bata

41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel