Ang tamis! Mga paandar ng celebrity couples ngayong Valentines Day

Ang tamis! Mga paandar ng celebrity couples ngayong Valentines Day

- Ramdam na ramdam ang pagmamahal lalo na sa araw ng mga puso

- Lalo na sa mga posts at paandar ng mga celebrity couples

- Kahit ilan sa kanila ay mag-asawa na, ayaw pakabog sa kanilang sweet nothings at surprises

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talaga namang todo effort sa sweet surprises at messages ang ilan sa mga celebrities na aminadong in love ngayong araw ng mga puso.

Kahit tapos na ang Valentine's Day, ramdam na ramdam ang mga nag-uumapaw na pagmamahal ng ilan sa mga sweet celebrity couples.

Narito ang ilan sa mga nakakakilig na paandar na nasagap ng KAMI sa Instagram:

Kung dati ay hindi gaanong showy sa kanyang social media account si Matteo Guidicelli, tila naging mas bukas na sila ni Sarah Geronimo na ibahagi sa kanilang fans ang kanilang kilig moments.

Hindi rin papahuli sa kasweetan si Luis Manzano na palaging bukambibig ay kung gaano siya ka in love sa nobyang si Jessy Mendiola.

Loving mother nature naman sina KC Concepcion at Pierre Plassart na ine-enjoy ang kanilang bakasyon sa isang beach property na kamakailan ay napabalitang binili niya bilang investment.

Hindi man kita ang mga mukha ay ramdam na ramdam sa caption ni Oyo Boy Sotto kung gaano siya nagpapasalamat na na-eenjoy niya ang pagmo-motor kasama ang kanyang asawang si Kristine Hermosa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Idinaan naman ni Chynna Ortaleza sa isang throwback picture na kuha sa kanilang kasal ng asawang si Kean Cipriano ang kanyang pagbati.

Araw-araw ay Valentines Day naman para kay Xian Lim kapag kasama niya ang nobyang si Kim Chiu.

Ilang araw matapos aminin ang kanilang relasyon, isang mensahe na mula sa kanyang puso ang ibinahagi ni Enrique Gil. Itinuturing niyang siya ang pinakamaswerteng lalaki dahil siya ang boyfriend ni Liza Soberano na talaga namang pinag-uusapan ang kagandahan.

Ibinahagi naman ni Kylie Padilla ang naging surpresa ng asawang si Aljur Abrenica.

Siyempre, hindi papahuli si Lucy Torres-Gomez na hanggang ngayon ay nakakakilig pa rin kapag nagbabahagi ng love story nila ni Richard Gomez-ang lalaking minahal niya umano kahit siya ay 12 pa lang.

POPULAR: Read more entertainment news here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night

7 ladies who rocked the red carpet at the 50th Guillermo Mendoza Awards Night
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel