Hapong namulubi't iniwan ng asawa, may bagong hanapbuhay at malaki ang kita

Hapong namulubi't iniwan ng asawa, may bagong hanapbuhay at malaki ang kita

- Nagbigay ng update si Raffy Tulfo tungkol sa sitwasyon ng Hapong nagviral sa kanyang programa

- Nagtatrabaho na raw siya ngayon sa call center at napakalaki na ng sahod niya kada buwan

- Yung panganay at bunsong anak niya ay nasa kustodiya ng ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil sa maraming nagtatanong tungkol sa Hapon na namulubi't iniwan sila ng asawang Pinay, inalam ni Idol Raffy ang kalagayan niya.

Nalaman ng KAMI na pumunta raw si Hiroyuki Saito sa tanggapan ni Tulfo at kinwento kung ano na ang nangyayari sa kanya.

Dahil nga bilingual siya, alam mag-Hapon, mag-Tagalog at mag-Ingles, nakapasok si Hiroyuki sa call center.

Di lang yan, sobrang taas ng sahod niya! Tumataginting na P90,000 kada buwan ang sahod ni Hiroyuki.

Sa lovelife naman, aba eh, marami raw nagme-message sa kanya at gusto siyang maging boyfriend.

Yun nga lang dahil daw medyo naliligaw na ng landas nang konti yung panganay at di na niya mababantayan, pinapili niya raw ito kung saan sasama.

Pinili naman ng panganay niya na sa nanay niya sasama. Pinayagan naman siya ni Hiroyuki. Pati na ang PWD niyang anak na kailangan din ng aruga ay nasa kustodiya na ng ina.

Tuwang-tuwa naman si Raffy Tulfo sa pag-angat ng buhay ni Hiroyuki.

Sabi niya, ang sarap malaman na yung dating aping-api ay umangat na ngayon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maaalalang naireport sa KAMI ang pagtulong na ginawa ng Tulfo in Action sa pamilya ni Hiroyuki.

Nawa'y mas marami pang blessings ang darating kay Kuya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Here's another interesting video for you. What would you do if a 10-year-old would ask you to light his cigarette? Will you give in? Find out in the video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto has a message for Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi

Gretchen Barretto has a message for Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi

Gretchen Barretto has a message for niece Dani Barretto amid issue with Kier Legaspi
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel