Jollibee, isa sa tinaguriang may "world's worst french fries"

Jollibee, isa sa tinaguriang may "world's worst french fries"

- Isa ang Jollibee sa tinaguriang may "world's worst french fries" ayon sa L.A. Times

- Nasa bottom four ang Jollibee ayon sa kritiko habang ang french fries naman ng mahigpit na kakompetensya nito na sa bansa na Mc Donald's ay malapit na sa ikalawang spot

- Gayunpaman, mataas pa rin ang respeto ng kritiko sa Jollibee dahil mayroon naman itong ibang pagkain na nakikipagsabayan sa mga world-class na pagkain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Habang namamayagpag sa kasikatan ang Chickenjoy ng Jollibee sa buong mundo, tila kabaliktaran naman ito ng kanilang french fries.

Ayon sa Yahoo Philippines, nasa 'bottom four' ang Jollibee sa isinagawang ranking ng mga Fast food french fries ng Los Angeles Times.

Sabi ng writer na si Lucas Kwan Peterson, nag-ikot sila sa 19 na fast food chains sa United states at sa kasamaang palad, di raw pasok sa kalidad ng mayroon ang iba nitong kakompetensya ang french fries ng paboritong fast food ng mga Pinoy.

Lasa, timpla at tekstura nito ang pinagbasehan.

Samantala, naungusan ng mahigpit na kakompetensya ng Jollibee ang Mc Donald's ng 14 na ranggo at halos masungkit na nito ang ikalawang pwesto.

Gayunpaman, binigyang linaw ni Peterson na malaki pa rin ang kanyang respeto sa Jollibee lalo pa at may ilan din siyang gustong pagkain dito gaya ng Big yum, Chickenjoy at jolly spaghetti.

Ngunit sa kabila ng pagsusuri ng kritikong ito, mananatili pa rin ang Jollibee fries na isa sa mga paborito nating kainin sa fast food ng Pinoy.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie Barretto is 'toxic' and she's not open in making peace with her

Gretchen Barretto says Marjorie is 'toxic' and she's not open in making peace with her
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel