Babaeng may asawa na, may dalawa pang nobyo at ikakasal pa muli sa isa pa

Babaeng may asawa na, may dalawa pang nobyo at ikakasal pa muli sa isa pa

- Kakaiba talaga ang pinasok na relasyon ng babaeng si Mary Crumpton dahil sa pagkakaroon ng mahigit sa dalawang lalaki sa buhay

- Polyamory daw ang tawag sa relasyon na ito na pinasok ni Mary

- Ang kakatwa pa rito, payag naman ang lahat ng mga karelasyon niya na may kahati sila sa puso ni Mary

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di lang isa, di lang dalawa kundi apat ang karelasyon sabay-sabay ng babaeng si Mary Crumpton.

Ayon sa powerfulmind.co edad 29 anyos nang maisip ni Mary na pasukin ang kakaibang klase ng relasyon.

Polyamory ang tawag sa sitwasyon ni Mary kung saan mayroon siyang higit sa isang karelasyon.

Wala raw dati sa bokabularyo niya ang magkaroon ng ibang lalaki maliban sa mapapangasawa niya.

Nagkaroon lamang daw siya ng ideya nang may makilala siya sa isang pub house na mayroong polyamory relationship.

Nasabi niya ito sa kanyang asawa noong panahong iyon at nalaman niyang maging ito ay tila interesado rin sa ganoong ideya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Taon pa muna ang binilang bago inilatag ni Mary ang plano na magkaroon sila ng open relastionship kung saan magkakaroon pa muli sila ng ibang partner.

Napakalaking rebelasyon ito para sa kanilang pagkatao lalo pa at di sila nahirapang makahanap ng iba pang karelasyon.

Naisip din niyang mas mainam ito kaysa itago ang iba pang karelasyon sa kanyang asawa.

Sa ngayon, hiwalay na siya sa asawa niyang una niyang napapayag sa polyamory ngunit ikakasal na siyang muli siya sa 43 anyos na si Tim.

Bukod sa kanyang fiance', mayroon pa siyang dalawang nobyo na sina Michael, 63 at James, 73 anyos.

Dahil iba't iba ang kanyang mga karelasyon, iba iba rin ang ginagawa ni Mary pag kasama niya ang bawat isa sa mga ito.

Masasabing mas naging totoo raw sa sarili si Mary nang pumasok sa polyamory. Sa ganitong paraan, naging bukas ang komunikasyon sa bawat lalaki niya sa buhay nang walang pagdududa at walang pag-aalinlangan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Middle-aged na babae, ibinahagi ang kanyang sikreto para magmukhang bata

41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura

41-anyos na babae, napagkakamalang 20-anyos lang dahil sa batang itsura
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel