Mag-amang nag-viral ang larawan sa socmed, natulungan ng mga naantig na netizens

Mag-amang nag-viral ang larawan sa socmed, natulungan ng mga naantig na netizens

- Marami ang naantig sa larawan ng mag-amang nasa jeep na kita na ang pagod mula sa pagtitinda

- Binahagi ang larawan ng isang netizen upang magbigya lamang sana ng inspirasyon at aral tungkol sa pagmamahal ng magulang sa anak ngunit di niya akalain na may magpaparating pa pala ng tulong sa mga ito

- Mayroong mga taong nagmalasakit at nagpabatid pa ng tulong pinansyal sa mag-amang nagsisikap sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang larawan ng batang lalaki na nakahilig sa ama na nasa jeep habang natutulog.

Binahagi ito ng netizen na si Annie Gamoza Cruz dahil sa labis siyang naantig nang makasakay ang mag-ama.

Ayon sa caption ng kanyang post, nakasakay niya ang dalawa sa jeep isang gabi na may dala ang mga ito ng basket. Tumabi sa kanya ang ama habang ang anak naman ay nasa tapat nila.

Nagpiring ng mata ang bata para pala makaidlip ito. Nang mabakante ang tabi ng bata, lumipat ang ama at inihilig ang anak sa kanyang balikat.

Natunaw daw talaga ang puso ni Anna at pinipigilan lamang niya na maiyak. Masyadong nadala ang kanyang emosyon, kaya kinunan na lamang niya ang dalawang ito ng larawan.

Binahagi niya ito sa social media upang magbigay aral at inspirasyon tungkol sa pagmamahal ng magulang sa anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit, di lang ito nakapagbigay ng inspirasyon sa mga netizens. Marami ang nakadama ng pagod ng mag-ama sa kanilang larawan, kaya naman sa munting paraan nila, sila ay nagpaabot ng tulong sa dalwang ito.

Sa post muli ni Anna, sinabi niyang hinanap nila ang pwesto kung saan nagtitinda ang mag-ama. Tinunton nila ito dahil sa may nagpaabot ng tulong na mula pa sa Canada.

Nalaman ni Anna na Rolan Maniloy-on ang pangalan ng ama na 40 anyos na habang ang anak na binatilyo na pala, si Marco, ay 15 taong gulang naman.

Sabado lamang daw ang pahinga ng mag-amang nagtitingda pala ng tinapa at daing at sila nalang talaga ang magkasama sa buhay.

Napakalaking bagay na may nagparating ng tulong sa dalawa upang makabawas sa gastusin nila sa araw-araw.

Samantala, umani rin ng papuri si Anna na siyang nagbahagi ng larawan. Dahil sa kanya, may nangangailangan na di inaasahang nabigyan ng tulong at mabibigyan pa muli sa mga susunod pang mga araw.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"o very nice..I proud of you ate..Thanks be to god..more blesseng for you"
"Godbless po sa tumulong at nagbigay kay ttay d man po nla maibalik ang kbutihang ginawa nyo sa knila c God n po ang bhlang mgbalik sa inyo. Sana marami png ktulad nyo po"
"God Bless you Annie. I'm so proud of you naging tulay ka para matulongan cla tatay."
"Npaluha nnmn ako.. Hindi ko mpigilan, yong ayaw mo my mkita kng nhhirapan sa buhai pro dhil my Diyos hindi tayo pbbyaan.. thank u sau ate ng dahil sau my hndang tumulong kay tatay.. wag tayo mwalan ng pag asa, npaka buti mo po tatay.."
"Ate ,salamat sa pag tulong sa mag ama ,sobrang nakakabless at nakakagaan ng pakiramdam na may nag mamalasakit pa sa kapwa , si Lord na mag mag papala sayo ate .babalik Nya yan ng siksik ,liglig at umaapaw. gayon din sa mga nag abot ng tulong"
"Naiyak ako sa kwento mo Maam. Kaya binisita ki acc. Mo. Salamat dahil napa ka buti mo sakanila. Asan po banda yung bahay nila Sa GMA? D ako familar sa Carmona e. Sa Gma kasi .nkapunta na ako. Kaya baka Mapuntahan ko."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain

Netizens nag-react nang papiliin ni Pokwang si Malia ng pagkain
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel