6 Showbiz couples, may giveaway tips ngayong Valentine's Day

6 Showbiz couples, may giveaway tips ngayong Valentine's Day

Narito ang kilalang mga showbiz couples na nagbigay ng kani-kanilang mga giveaway tips ngayong Valentine's Day na naispatan ng KAMI.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Spotted ng aming team ang mga pahayag ng mga showbiz couples na ito kaugnay sa kanilang mga plano sa araw ng mga puso at mga mahahalagang tips ng kanilang long-lasting relationship.

1. Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

Una raw sa listahan ng mga celebrities na nag-share ng kani-kanilang mga tips sa Heart's Day ay si Matteo Guidicelli.

May plano raw na kilig suprise si Matteo para sa kanyang Popstar Royalty girlfriend Sarah Geronimo.

Ani pa umano ni Matteo:

“Opo! Ipapa-block off ko ngayon. Iisa na manager namin (laughs). Sana wala (work si Sarah)."

2. Gerald Anderson and Bea Alonzo

Naitanong naman nila sa Kapamilya actress na si Bea Alonzo kung ano raw ang plano nila ni Gerald Anderson ngayong V-day.

At ani pa sa balita ng source media outlet ay mukhang may sorpresa na regalo siya para kay Gerald.

Saad pa ni Bea:

“Nako hindi ko pa na plano yan, tulungan mo ako ano ba ang uso ngayon."

3. Xian Lim at Kim Chiu

Si Xi naman ng KimXi ay inamin umano na hindi pinaplano raw ang pagdiriwang ng araw ng mga puso.

Pagbahagi pa ni Xian Lim:

“Hindi kasi kami nagpa-plano, so being spontaneous lang. Usually magkasama lang kami minsan a day before, kasi usually pag pina-plano baka hindi matuloy so if it’s spontaneous, more fun and exciting."

Baka isa na namang trip abroad ang kanilang gawin ni Kim Chiu sa V-day, base na rin sa pagkahilig nila sa pagbiyahe.

4. Enrique Gil at Liza Soberano

Ang kakaamin lang na Kapamilya couple na LizQuen ay may pinagkasunduan umano na hindi magbibigay ng mamahaling regalo sa isa't isa.

Sa panayam ng PEP kay Enrique Gil, ipinaliwanag niya na:

"We do [give each other gifts], but we promise na wag masyadong mahal na gifts na."

Dugtong pa ni Enrique:

"Parang ang sinabi ko, the best gift to me, you know, business and our security in the future."

5. Doctor Rob Walcher at Patricia Javier

May maganda naman na giveaway tip ang mag-asawang sina Patricia Javier at Doctor Rob Walcher.

Kahit daw magkaiba ang kanilang kultura ay "give and take" naman umano ang kanilang istilo pagdating sa kanilang relasyon.

Nakakaaliw naman na ibinihagi ni Patricia ang kanilang cute at sweet na relationship ng doctor na mister.

“Ang hirap po sa amin ‘di ba nose bleed ako lagi may language barrier kami (laughs). My husband is very understanding, he is trying to learn to be a Filipino."

Dagdag naman ni Doc Rob:

“You have to compromise like what she said earlier give and take! Take the good with the bad and be supportive."

6. Norman Crisologo at Beauty Gonzalez

Sa parte naman nina Norman Crisologo at Beauty Gonzalez ay ibinahagi naman daw na hindi raw hadlang ang kanilang malaking age gap.

Ikinwento umano nila na ang pakikinig sa isa't-isa ay isa raw bagay na may malaking halaga para sa isang relasyon.

Ayon pa raw kay Norman:

“For me, you just have to listen a lot to what your partner needs."

Masaya naman daw na sabi ni Beauty:

“Hoy! I listen ha! Inunahan ko na (laughs). He listens a lot obviously (laughs)."

Patapos pa raw na pahayag ng aktres:

“Marriage is team work talaga. Hindi pwede isa lang."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel