7-anyos, ayaw sumama sa ina dahil nakita daw ito na may kahalikang driver

7-anyos, ayaw sumama sa ina dahil nakita daw ito na may kahalikang driver

-Idinulog na ng isang ginang ang kanyang problema sa Raffy Tulfo in Action ukol sa kustodiya sa kanyang dalawang anak

-Ngunit isang malaking rebelasyon pala ang mabubuking tungkol dito mula mismo sa 7-anyos niyang anak

-Naging mainit pa ang sagutan nito at ng dating kinakasama nang maungkat pa ang ilang isyu nilang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Problema sa kustodiya sa kanyang dalawang anak ang idinulog ng ginang na si Bernalyn Arabes sa programang Raffy Tulfo in Action.

Hiwalay ito sa dating kinakasama at mayroong silang dalawang anak na parehong menor de edad.

Reklamo nito, hindi tinupad ng kanyang dating kinakasama na si Bernardo Leonardo ang kanilang usapan na ibabalik sa kanya ang mga anak sa araw na itinakda na nasa kanya ang mga ito.

Depensa naman ni Leonardo, hindi rin ito tumupad sa ipinangako nitong hindi magdadala ng ibang lalaki sa kanilang tahanan na mariin namang itinanggi ni Arabes.

Ngunit mismong ang anak nitong babae, edad 7, ang siya mismong nagbuko kay misis!

Ani "Nene" (hindi nito tunay na pangalan), nakita niya ang kanyang ina na may kahalikang lalaki na driver umano habang ito daw ay lasing.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagamat inamin ni Arabes na may mga nag-iinuman nga sa kanila, mariin nitong itinanggi ang akusasyon ng anak.

Pagkatapos nito ay lumabas pa ang ilang isyu ng dalawa sa isa't-isa, kabilang na ang mga pagbabanta ni mister kay misis na magpapakamatay at isasama ang kanilang mga anak.

Maging ang mga pagkukulang ni Arabes bilang ina ay naungkat rin at pananakit ng dalawa sa mga bata.

Dahil sa parehong may isyu ang magkabilang panig at may mga seryosong akusasyon ang bawat isa, inirekomenda ni Raffy Tulfo na mag-usap muli ang dalawa kaharap ng MSWD.

Sa huli, nagkaroon ng kasunduan ang dalawa na sa poder ng ina ang mga bata sa araw nag Lunes hanggang Biyernes at sa ama naman tuwing Sabado hanggang Linggo.

Ito ay dahil sa hindi kasal ang dalawa at parehong menor de edad pa ang dalawa. Bagamat ayaw sumama ng mga ito sa ina.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
PH boat captain Insigne reveals the reason why he skipped meeting with Duterte

PH boat captain Insigne reveals the reason why he skipped meeting with Duterte

PH boat captain Junel Insigne reveals the reason why he ditched meeting with Duterte
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel