Carmina Villaroel, isiniwalat ang saloobin sa tuwing matatanong siya tungkol kay Rustom Padilla

Carmina Villaroel, isiniwalat ang saloobin sa tuwing matatanong siya tungkol kay Rustom Padilla

- Isiniwalat ni Carmina Villaroel ang kanyang saloobin tungkol sa ex na si Rustom Padilla

- Pagkatapos daw ng Q&A sa media conference ng Kara Mia ay tinanong si Carmina ukol dito

- Matapat at walang pag-alinlangan na sinagot naman ito ng Kapuso actress-host

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa balita na naispatan ng KAMI ay walang pag-alinlangan at matapat na sinagot ni Carmina Villaroel ang mga tanong tungkol sa ex-husband niyang si Rustom Padilla.

Naganap daw ang naturang panayam ng PEP kay Carmina pagkatapos ng question and answer portion sa media conference ng Kapuso teleserye na Kara Mia.

Nakangiti na sinagot ni Carmina ang tanong ng source media outlet tungkol sa kanyang damdamin tuwing natatanong daw sa kanya ang dating mister.

“Wala naman, kasi that’s really my past, as much as gusto ko kalimutan or burahin. I cannot, I cannot delete those chapters in my life."

Dugtong pa ng Kapuso actress-singer:

"And, kung ano ako ngayon and kung paano ako ngayon as a person, it’s because of my past. It’s because of my experiences before. So, wala, wala, it’s part of my life already."

Patuloy pa na pahayag ni Carmina:

“Mag-move on na lahat, wala na namang issue."

At sa tanong kay may pinagsisihan daw ba siya sa nakaraan nila ni Rustom, diretsong tugon naman daw ni Carmina:

"Kasi natuto na rin ako na wala namang mangyayari if i-regret mo ang isang bagay, e, di ba? Like I said, you just learn from your mistakes. You just learn from whatever is in your past and then huwag mo na lang gawin, ulitin. Marami naman akong natutunan from that experience.”

Natatawang pagtatapos pa ni Carmina tungkol sa kung closed chapter na ba talaga ang nakaraan nila ni Rustom:

"Oo super, naka-lock pa!"

Happily married na si Carmina Villaroel kay Zoren Legaspi ng maraming taon at masaya ang kanilang pamilya kasama ang kanilang mga kambal na sina Mavy at Cassy.

Kamakailan, ibinahagi namin ang isang super cute throwback pic ni Mavy at Zoren.

Si Carmina Villaroel ay unang ikinasal kay Rustom Padilla, na kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari, noong 1994, ayon pa sa naunang balita ng ABS-CBN News.

Ngunit, nagkahiwalay kalaunan noong 1996 at tuluyan daw na-annul ang kasal noong 2006.

POPULAR: Read more news about Carmina Villaroel here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel