Lalaking na-depress at naging adik dahil kay misis, binalak magpakamatay

Lalaking na-depress at naging adik dahil kay misis, binalak magpakamatay

-Idinulog ng mag-inang Rena at Salud Barrios ang kanilang hinaing sa kanilang kapatid at anak na si Richard Barrios

-Kaya naman nais na nilang paalisin ito sa kanilang tahanan para matahimik na sila

-Sa tulong ng Raffy Tulfo in Action team at ng PNP, pinuntahan nila ito upang i-alis sa bahay ng mga ito ngunit nagulat sila sa nakita sa kwarto nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa programang Aksyon dumulog ang mag-inang Rena at Salud Barrios na una nang naibalita ng KAMI.

Matatandaang humingi sila ng tulong kay Raffy Tulfo upang mapa-alis na si Richard Barrios, kapatid at anak ng mga complainant, sa kanilang tahanan.

Bukod kasi sa pagiging adik nito, ay madalas na rin nilang katakutan ang pagwawala daw nito at pagbebenta nito ng kanilang mga gamit sa bahay.

Ngunit nang maka-usap ito ni Tulfo ay napag-alamang kaya ito nagka-ganoon ay dahil sa pangangaliwa umano ng asawa nito.

Bagamat mahinahon itong kausap at pumayag naman na umalis sa kanilang tahanan ay dinatnan pa rin ito ng ina at kapatid sa kanilang bahay.

Sa tulong ng PNP at Raffy Tulfo in Action team ay kinausap nila si Richard upang umalis na sa bahay.

Nagkaroon ng kaunting pagtatalo sa pagitan nito at ni Rena.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit ang mas ikinagulat ng mga ito ay nang makitang may naka-sabit na tali sa kisame ng kwarto ng lalaki.

Ayon kay Rena, matagal na itong ginagawa ng kapatid at tila ipinananakot sa kanila na itinanggi naman ni Richard.

Sa huli, sumama na lang ng maayos si Richard sa mga pulis at dinala sa presinto. Inalok din na ampunin na lamang ito kung wala itong mapupuntahan.

Pero sa update mula sa programa ay umuwi naman daw si Richard sa kanilang bahay at nakipag-ayos sa pamilya.

Malugod naman daw itong tinaggap ng ina. Sa kasalukuyan ay tahimik na raw ang kanilang pamumuhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky questions at the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Let us see if these guys know what a male cow is called! Check out our other videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel