Tarpaulin ng di pa nagbabayad ng utang, nag-viral
- Viral ngayon ang post tungkol sa tarpaulin ng di umano'y di pa nagbabayad ng utang
- Ayon sa mga netizens, nakakatakot na raw mangutang ngayon dahil baka gawin din da kanila ito ng pagkakautangan kung di sila makabayad agad
- Umani ang post ng iba't ibang reaksyon kung saan ang iba ay natawa habang ang ilan ay naawa sa mukha na nakapaskil sa tarpaulin
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw eksena ngayon ang post tungkol sa tarpaulin ng di umano'y hindi nakabayad ng utang.
Makikita sa post ang halaga ng utang na ₱7250 na di pa raw nababayaran mula pa noong 2014.
Nakapaskil ito sa itaas na bahagi ng bakod ng magandang bahay.
Dahil dito, ayaw na raw mangutang ng ilang netizens sa takot na baka maibuyangyang din ang mukha nila sa tarpaulin maging ang halaga ng kanilang hihiraming pera.
Ang ilang netizens naman ay nagsabing nagkaroon sila ng ideya kung paano sila makakasingil sa mga nakahiram sa kanila.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
" San po nagpapagawa nyan papagawa aq sa sa daanan nun tao dipa binabalik pera q baka sakaling umepekto hahahhaha"
" a makapagbayad na baka makita ko pic ko s kanto namin"
"Kaso sa kapal ng mukha nila baka wa epek din"
"sana mag kusa ka naman mag bayad kaht hndi ka sinisingil."
"pwede yan basta sa loob ng bakuran mo"
Samantala habang ang ilan ay natuwa, may mga nagsasabi namang kawawa pa rin ang nangutang na nailagay ang mukha sa tarpaulin.
Upang maiwasan ang mga ganitong pagpapahiya, maging responsable na lang sana tayo sa pagbabalik ng pera man o bagay na ating hiniram.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter
Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions
Source: KAMI.com.gh