Netizens, sobrang kinilig sa inamin ni PBB Otso housemate Andre tungkol kay Lou

Netizens, sobrang kinilig sa inamin ni PBB Otso housemate Andre tungkol kay Lou

- Umamin si housemate Andre Brouillette na may gusto siya kay Lou Yanong noong first week pa lang ng PBB Otso

- Ang kilig na pag-amin ay nangyari habang nakikipag-usap si Andre kay Tori Garcia noong Martes

- Kitang-kita rin ang pagkakilig ni Andre sa pagsambulat ng kanyang feelings, at netizens, kinilig din

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kwentuhan nina Andre Brouillette at Tori Garcia sa Tuesday show ng Pinoy Big Brother Otso noong February 12, 2019, isinambulat ng gwapong housemate ang kanyang feelings kay Lou Yanong.

Naispatan ng KAMI ang kilig na pag-amin ni Andre na may gusto siya kay Lou.

Kinilig pa ang gwapong si Andre habang umaamin sa kanyang nararamdaman sa kanyang kapwa housemate

Nang tinanong ni Tori kung kailan nag-umpisa ang kanyang pagkakagusto kay Lou, pag-amin pa ni Andre:

“Like within the first week coming here, it's been a long time.”

Pero, ayon kay Andre na pinigilan lang daw niya ang kanyang sarili sa paglabas ng kanyang totoong feelings kay Lou dahil sa ex-housemate na si Abi Kassem.

Dugtong pa ni Andre:

"So me starting to like [Lou] from the very beginning, but the whole thing with Abi totally restricted me from anything with her because I felt bad if I tried to do anything with Lou, Abi knowing that she had feelings, I kinda felt like me going for Lou in this whole situation was not the right thing to do. "

Hinikayat naman ni Tori si Andre na aminin ang kanyang feelings kay Lou.

Subalit, maghihintay pa raw siya ng tamang panahon.

"Sa tingin ko kasi hindi tama ‘yung timing. Oo pwede pero hindi ako sigurado. Maghihintay muna ako. Sa tingin ko she's really amazing. ‘Yung personality ko at personality niya pareho. Kung paano kami mag-isip at kung paano kami tumawa."

Una naming naispatan ang naturang balita sa push.com.ph.

Kamakailan lang ay binahagi namin ang pag-amin ni Abi sa kanyang feelings kay Andre.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

On another note, our team has explored the streets, once again, to make our fellow Pinoys 'Guess The Celebrity By A Clue.’

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel