Netizens, kinampihan pa di umano ang nagwawalang customer ng Globe

Netizens, kinampihan pa di umano ang nagwawalang customer ng Globe

- Viral ngayon ang video ng isang babaeng galit na galit at nagwawala sa isang Globe center sa SM Megamall

- Tila napuno na talaga ang babae sa di umano'y di magandang serbisyo ng telepone company

- Sinabihan ng customer ang representative ng Globe na walang silbi dahil raw sa di maresolbang problema ng koneksyon ng kanyang cellphone

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang video ng babaeng nagwawala at nagsisisigaw sa isang Globe service center sa SM Megamall.

Ayon sa kumakalat na Facebook post, makikita ang babaeng halos iba na ang boses sa kakasigaw sa mga tauhan ng Globe.

Maging ang gwardiya na sinubukang lapitan ang babae ay nasabihan pa nito ng masasakit na salita. Nagbanta na rin ito na kukulamin niya ang mga taga-Globe na sinabihan niya ng bastos at walang silbi.

Tila naubos na talaga ang pasensya ng babae dahil sa di raw ginagawan ng solusyon ng nasabing telephone company ang problema niya sa cellphone.

Makailang beses na raw kasi itong tumatawag sa customer service at sinasabing bibigyan na lamang ito ng update sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya. Gaya ng inaasahan, wala siyang tawag na natatanggap.

Nabanggit din ng babae na ilang branches na ang napuntahan niya ngunit wala nangyayari sa kanyang nirereklamo.

Makikinig na maging ang kumukuha o malapit sa kumukuha ng video ay sumasang-ayon sa nararamdaman ng babae sa serbisyo ng Globe. Tila dumarami na di umano ang nagiging problema nito kaya naman kahit ang kanilang mga loyal customers ay unti-unti nang nawawala sa kanila.

Ganito rin ang naging saloobin ng ilang netizens sa naturang viral video. Maging sila raw ay madalas nang makaranas ng problema sa naturang telco at nakahanap lamang daw ito ng katapat sa katauhan ng nagwawalang customer.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

"Mas may katapat rin cla sana mas madami pa mag reklamo para gandahan na nila ang mga serbisyo lalo na ang mga internet nila puro loading pero nag babayad ka naman ng tama"
"Naku sa singilan laang mabilis yang globe...madelay ka lng pagbabayad penalty kaagad pero sebisyo hari kabagal....malamang yang globe at smart dn ang gumagawa ng paraan para madelay ang paglalagay ng 3rd telco sa pinas...yung mga epal na senador at congressman na pilit humaharang at kung ano2 mga sinisilip na isyu eh kakutsaba niyang smart at globe...alam na this...."
"Nkikisimpatya ako sau maam.. Saludo ako sau.. nagbabayad ka ng lingid sa kagustuhan nla pero winawalngya nla serbisyo.. Eto bng mga kumpanya ang pinapanigan ng mga oposisiyon na lantaran ang pang babalasubas sa mga pilipino.. asan ang malasakit nyung mga kontra sa pangatlong telco.. Anu gsto nyu magtiis kme sa kahayupan nla dhl bka nakikinabang kau.. Alm nmn nten lht na pati kaung kontra ay nkaranas dn ng iregularidad ng madalas sa serbisyo.. nagbubulag bulagan kau pag pera na ang nasaharapan nyu.."
"True.. they are thieves. People are paying for very poor service...."
"pupwede bang mag file ng class suit ang mga subscriber? masyadong dehado ang mga taong naka subscribe sa service nila eh..."

Samantala, sa pagtatapos ng video, sinabihan pa rin ng kinatawan ng Globe na maghintay ito ng 14 na oras para tuluyang maresolba ang reklamo. Bago umalis, nagbanta pa rin ang babae na pag di pa rin ito nasolusyunan sa loob ng sinabing oras ay magwawala muli siya roon at magdadala pa ng sundalo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions

Source: Kami.com.ph

Related news
Clarita movie review: Jodi Sta. Maria shines in a new demon-possession horror film

Clarita movie review: Jodi Sta. Maria shines in a new demon-possession horror film

Clarita movie review: Jodi Sta. Maria shines in a new demon-possession horror film
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel